• Home
  • Fresh Scoops
  • Judy Ann Santos, handa nang putaktihin ng bashers sa ‘Starla’

Judy Ann Santos, handa nang putaktihin ng bashers sa ‘Starla’

Ito ang unang beses na gaganap si Juday bilang bida-kontrabida sa Kapamilya series.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/7/2019 10:12 AM
Judy Ann Santos, handa nang putaktihin ng bashers sa ‘Starla’


Handang handa na sa kanyang pagbabalik ang Primetime Queen na si Judy Ann Santos para sa kanyang bagong Kapamilya series na Starla.

Kuwento ni Juday, bagong atake ang kanyang gagawin sa kanyang pagbabalik-telebisyon na labis na kaiinisan ng mga manoood.

“I’m pretty sure, may ibang maninibago, kasi iba talaga siya. And I’m pretty sure na may ma-e-excite rin kasi bago at hindi pa nila ako nakikita sa ganitong klase nang character,” ani ng aktres.

Aminado rin siya na kahit siya ay nanibago sa kanyang gagampanan na karakter.

“Kahit ako nanibago e’ kahit ako tinanong ko rin ang sarili ko, kaya ko ba ‘to? (laugh) Pero masaya naman siyang gawin. Kumbaga, nare-reset ‘yung skill mo na at talent mo sa pag-arte, parang kailangan mong bigyan ng konting kabog ang sarili mo e’ ano pa ba ang pwede mong gawin,” paliwanag ng aktres.

Sa kanyang bagong papel bilang bida-kontrabida, handa na rin salagin ni Juday ang batikos ng netizens na maiinis ngayon sa kanya.

“Di ba nga ang sabi nila ‘pag hindi nabuwisit sa ‘yo ang mga tao, hindi effective ang ginawa mong character, so handa naman,” aniya.

“Matured na rin naman ang mga audience ngayon, when it comes to mga teleserye, alam na nila kung ano ang mga character sa tunay na buhay and kung hindi nila alam, hindi na rin naman ako mag explain, okay na ‘yun, basta ginawa ko ang trabaho ko,”pabirong sabi pa ng aktres.

Simula October 7, mapapanood na ang Starla kasama sina Raymart Santiago, Joem Bascon,Janna Agoncillo at Enzo Pelojero pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano.