• Home
  • Fresh Scoops
  • Alexa Ilacad on ‘Killer Bride’ role: ‘Lagi akong inaapi, umiiyak ... time for a change’

Alexa Ilacad on ‘Killer Bride’ role: ‘Lagi akong inaapi, umiiyak ... time for a change’

Inamin ni Alexa Ilacad na naging kabado siya sa pagtanggap sa kanyang kontrabida character sa TV show na ‘The Killer Bride.’

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/7/2019 10:31 AM
Alexa Ilacad on ‘Killer Bride’ role: ‘Lagi akong inaapi, umiiyak ... time for a change’


Photo credit: @alexailacad IG

Aminado si Alexa Ilacad na hindi siya masyadong nahirapang gampanan ang karakter  ni Luna sa primetime series ng ABS-CBN na The Killer Bride na pinagbibidahan nina Maja Salvador, Janella Salvador at Joshua Garcia.

Aniya,  “Madali lang naman po yon. Actually, akala ko nga din yung role ko sa The Killer Bride mahihirapan ako. Kasi nung audition ko kinakabahan talaga ako.

“Ang dami ko ring doubts sa sarili ko. Nakakakaba naman kasi, sometimes the way people react, very hurtful, so gusto ko lang maging careful kaya very doubtful ako. Pero yon po, sabi ko, ‘Kaya ko ba ito, kaya ko bang panindigan yung pagiging masama,’ na ayoko naman na i-hate talaga ako.

“Pero sina Direk Dado (Lumibao) very helpful sila. Kasi yung atake na gusto po namin is, yes bitch ako pero gusto ko pag oras na nasasaktan ako gusto kong kaawaan n’yo akong lahat. Kasi sabi nga po nila, wala naman talagang kontrabida sa Killer Bride, kasi lahat kami may back story, lahat kami may rason kung ba’t ganun kami.”
Masaya rin daw siya sa magandang feedback na natatanggap at nababasa sa social media about her performance sa soap opera.

“Natutuwa po ako. Ang daming pumupuri at sobrang nakaka-overwhelm, na minsan, ‘totoo ba ito?’ Minsan natatakot na akong lumabas  kasi sabi sasabunutan daw nila ako. Ang dami ng gustong kumurot sa singit ko.

“Ibig sabihin no’n effective kasi kung hindi sila naba-bother sa pagiging bad ko, wala akong effect, di ako bitch.  Tapos nakakarating din kina Direk, sa staff, nagti-trend din. Parang, ‘Ayos, ito na yata yung hinihintay ko,’” kuwento pa niya.

Patuloy ni Alexa, “Lagi ho kasi akong mabait, lagi akong umiiyak, inaapi, kinakawawa. Sabi ko, time for change.”

Kaya lang, ang nagiging problema ng aktres, matagal daw bago siya makalabas sa character na ginagampanan.

“Minsan sinasabi ni mommy, ‘Luna!’ Ginaganun niya ako, kasi minsan, lalo na pag pagod, medyo pumipitik din (ang ulo) ko. Ipapaalala ni mommy, ‘Ano ka si Luna?’ Ginaganun ako ni mommy. Sabi ko, ‘Ay, sori, sori, hindi, mabait ako.’

“Kasi minsan nakakadala, eh, kasi halos same din kami magsalita, mas masama lang talaga ang ugali niya, pero yung mga terms, yung slang sa pagsasalita, same kami kaya minsan nadadala ko,” lahad ni Alexa.

Kontento ba siya na  third party nina Joshua at Janella sa The Killer Bride?

“Oo naman. Nung unang pa lang in-inquire nila sa akin yung role, sabi ko, ‘Game, game ako diyan.’ Ipapakita ko yung kakayahan ko. Tsaka ano naman siya, eh, hindi naman siya talaga third party kasi hindi naman ako ini-entertain ni Joshua don. Tinataboy nga niya ako, eh, ako lang talaga yung epal na dikit nang dikit sa kanya. Sinisingit ko lang lagi ang sarili ko. Pero yon, ang saya,” kaswal niyang sagot.

Sa palagay ba niya ay mas okay na wala siyang love life ngayon para mas makapag-concentrate sa career?

“Yes,  totoo. Sa kanya din naman, eh. It’s a tie,” tugon niya.  “Kasi mas naging free kami to explore, to accept role, na maka-work si ganito, si ganyan. Kasi pag love team laging siya lang, eh. Hindi ka puwedeng , ngayon i-try ko si ganito, si ganyan. Kahit hindi kami love team, puwede kang mag-try ng chemistry sa iba, mag-explore kumbaga,” pahayag pa niya.

Samantala, bida si Alexa sa pelikulang Santigwar na ipapalabas sa Oct. 30 mula sa Horseshoe Studios from the script and direction of Joven Tan.