• Home
  • Fresh Scoops
  • Paano nilalabanan ni Heart Evangelista ang panandaliang kalungkutan?

Paano nilalabanan ni Heart Evangelista ang panandaliang kalungkutan?

May tips rin si Heart Evangelista kung paano labanan ang bad hair days.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/6/2019 11:51 AM
Paano nilalabanan ni Heart Evangelista ang panandaliang kalungkutan?


Gaya ng ibang personalidad, isa si Heart Evangelista sa mga aminadong dumaraan din sa bad hair days.

Pero, iba rin daw ang paraan ng TV host-vlogger at fashion enthusiast sa kung paano niya nilalabanan ang pandaliang kalungkutan.

“We all have our off days,” pahayag ng TV host sa press sa naganap na launch ng Love Marie collections by Cherry Mobile.

Ayon kay Heart, tulad ng iba dumarating rin minsan ang maliliit na problema sa kanyang buhay.

“Siyempre marami tayong iniisip, ‘di ba?” aniya pa.

Dito, ibinahagi rin ni Heart ang kanyang alam na paraan kung paano nakakalimot sa mga panandaliang kalungkutan.

“Nagbibihis ako,” masaya niyang tugon.

“That’s my way of coping. Iba iba ang way ng tao to cope with their sadness and anxiety.”

“I paint, I dress up and it makes me feel good so that’s what I do. I fight sadness with fashion, art,” sabi pa niya.

Naniniwala rin si Heart na iba iba rin ng paraan ang mga tao sa paglunas sa lungkot na dumaraan sa kanilang buhay.

“Iba Iba naman e’, kung gusto mong kumain, kumain ka,” sabi pa niya.