• Home
  • Fresh Scoops
  • Kandidata ng Pilipinas sa Eco Teen International, papalitan?

Kandidata ng Pilipinas sa Eco Teen International, papalitan?

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/6/2019 12:22 PM
Kandidata ng Pilipinas sa Eco Teen International, papalitan?


Pormal nang naglabas ng kanilang official statement ang Miss World Philippines Organization na may hawak sa franchise ng Miss Eco Teen International beauty pageant.

Kasunod ito ng kontroberysal na Instagram post ng kinoronahang kandidata na si Vanessa Walters.

Ayon sa official statement ng Miss World Philippines, nilibag ng kandidata ang naging responsibilidad ng organisasyon sa paglabas ng tila hubad na larawan ng kandidata.

“The Miss Eco Teen International Organization has called our attention to nude photos of Ms. Walters circulating online and posted on her own social media account,” bahagi ng pirmadong statement ng pageant director ma si Arnold Vegafria.

Picture Vanessa Walters

Bukod sa pagkalat umano ng hubad na larawan ng kandidata, naging basehan din ng pagkakaalis ng titulo sa kandidata ang “Public Display of Alcohol and Tobacco Use”.
 
Sa ngayon, hindi pa tiyak kung sino ang papalit sa bakanteng titulo na inalis sa kandidata na inaabangan ngayon ng pageant fans.