• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Sarah Geronimo reveals who is her ‘unforgettable’ leading man

EXCLUSIVE: Sarah Geronimo reveals who is her ‘unforgettable’ leading man

Sarah Geronimo shares her ‘unforgettable’ moments in life and her unforgettable leading man

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/6/2019 12:09 PM
EXCLUSIVE: Sarah Geronimo reveals who is her ‘unforgettable’ leading man


Sa exclusive interview namin kay Sarah Geronimo sa media conference para sa pelikula niyang Unforgettable ng Viva Films ay ibinahagi niya sa PUSH ang ilan sa mga itinuturing niyang mga “unforgettable” sa kanyang buhay.

Tulad na lang halimbawa sa kanyang unforgettable song.

“Siguro po yung unforgettable song ko is yung ‘To Love You More,’ yung winning piece ko po sa Star For A Night. Bakit? Kasi nung unang beses ko siyang kinanta sa school program pumiyok ako…

“I don’t know kung pumiyok nga ba ako o nalimutan ko yung lyrics. Pero yon ang sigurado ako, nalimutan ko po yung lyrics kasi ni-request po yon sa akin ng mama ko.

“Sabi niya, ‘Anak ang ganda nitong song na ‘to, ito na lang ang kantahin mo bukas.’ Eh, bukas na yon. Hehehe! Eh, okey naman po yung memory ko nung mga panahong yon, so talagang mine-morize ko. Memorize ko naman siya, pero nung actual performance na, nalimot ko, eh, nanonood po yung crush ko, so my gosh, kinabahan ako masyado,” pagbabahagi ni Sarah G.

Pagdating naman sa kanyang unforgettable movie, ito ang kanyang naging pahayag.

“Siguro, hindi ko malilimutan yung A Very Special Love na ginawa ko with John Lloyd (Cruz) kasi that’s the first time na nakatrabaho ko siya and first time na sobrang kilig na kilig po ako.

“Yon yung movie na yung kilig ko ay talagang nakita mo talaga sa screen. Na nag-work, kasi yon yung character ko talagana sobra siyang kilig kay Miggy (Montenegro) so do’n nagsimula yung Miggy and Laida (Magtalas), yung John Lloyd-Sarah,” she said.

Eh, ano naman ang para sa kanya ay unforgettable moment ng buhay niya?

“Siguro, back in the day, yung mga panahon na buo po yung family namin, very unforgettable sa akin yon. Yung family gathering kasama yung mga kamag-anak, nagsi-celebrate ng Christmas, New Year, yon po.

“Kasi yon po yung talagang simpleng-simple lang ang buhay, pero magkakasama lahat. Ang saya-saya lahat. May mga konting ano… misunderstanding pero at the end of the day pamilya pa rin, saka masaya pa ring magkakasama ang lahat,” lahad pa niya.

Eh, sino ba ang kanyang unforgettable leading man?

“Ah, si Milo (the dog in the movie). Hahaha!” humalakhak niyang sagot. “Totoo po,” hirit pa ng Popstar Princess.

“Kasi iba yung feeling po kapag mahal namahal mo yung kaeksena mo at mahal na mahal ko yung aso, si Milo. So, hindi siya naging mahirap po for me. Ewan ko po sa kanya kung nahirapan siya sa akin. Hahaha!”