• Home
  • Fresh Scoops
  • Tambalan nina Sarah Geronimo at Daniel Padilla sa pelikula, matutuloy na nga ba?

Tambalan nina Sarah Geronimo at Daniel Padilla sa pelikula, matutuloy na nga ba?

May kondisyon rin daw si Sarah Geronimo kung matutuloy ito

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/5/2019 3:16 PM
Tambalan nina Sarah Geronimo at Daniel Padilla sa pelikula, matutuloy na nga ba?


Hindi isinasara ng Popstar royalty na si Sarah Geronimo ang posibilidad na pagsasama nila sa isang proyekto ng aktor na si Daniel Padilla

Kasunod ito ng naging maugong na balitang paggawa ni Daniel ng solong pelikula gaya ng naging paggawa ni Kathryn Bernardo ng Hello, Love, Goodbye kasama si Alden Richards.

“Yes! Actually I’m looking forward to it, pero kailangan lang na perfect ‘yung material namin,” tugon ni Sarah sa panayam sa media launch ng upcoming movie ni Sarah na Unforgettable.

READ:Sarah Geronimo, bilib sa professionalism ng ‘co-star’ na si Milo

At kung matutuloy, may naging kondisyon rin ang Popstar Royalty para sa maugong na pasasama nila ni Daniel sa pelikula.

“Pero sana hindi siya dapat maging pilit, hindi siya dapat maging formula, alam mo ‘yun dapat talagang iba,” sabi pa ni Sarah.

Sa ngayon, tutok muna si Sarah para sa nalalapit na showing ng Unforgettable ngayong October 23 sa direksyon ni Jun Lana at Perci Intalan.