• Home
  • Fresh Scoops
  • Marlo Mortel aminadong nahirapan sa career dahil walang ‘benefactor’

Marlo Mortel aminadong nahirapan sa career dahil walang ‘benefactor’

Marlo Mortel, steady lang ang career sa ngayon.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/5/2019 1:49 PM
Marlo Mortel aminadong nahirapan sa career dahil walang ‘benefactor’


Photo Credit: @marlomortelmusic on IG

Hindi naniniwala ang singer-actor na si Marlo Mortel na kailangan niyang pumatol sa mga backer para magkaroon ng project at showbiz career. Pero aware naman ang binata na talagang malaki ang influence ng mga ito sa industriya.

“Siyempre naniniwala ako talaga na malaki ang influence nila. Kasi totoo naman, di ba, powerful sila,” pahayag ni Marlo.

“Hindi naman ako against diyan. Hindi naman kasi natin alam yung mga nangyayari behind the scenes, di ba? Pero ako kasi, never kong tinry (sinubukan) na makipagjowa. Hindi talaga, kaya din ako nahihirapan siguro,” natatawa at pabiro niyang dagdag.

“Ako kasi pinagdanan ko yung hirap, kasi wala naman akong kinabitan na kahit sino. Talagang on my own lang ako kasi hindi nga ako kumabit kahit kanino,” patuloy niyang kuwento.

Maging ang relasyon niya sa yumaong TV host/discoverer na si German Moreno ay nilinaw din niya.

“Naging manager ko si Kuya Germs, tinutulungan niya ako, pero hanggang do’n lang yon – manager relationship. Pero yung more than that, hindi, eh,” sambit niya.

May mga bading ba na nag-offer sa kanya ng career kapalit ng relasyon?

“Meron… meron din naman,” pag-amin niya. “Pero kanya-kanya naman kasi yang ano, eh, to each his own kumbaga. Wala akong against kung yung iba gusto nila yon, no problem it’s you.

“If that’s how you make it, why not? If that’s what makes you happy, why not? Pero kasi ako, happy ako sa part na nano-notice yung talent ko at yon din yung pinaglalaban ko ever since kahit wala akong manager – yung talent.

“Parang hindi ko kailangang (pumatol)… at saka never ko naman siyang ginawa,” deklara pa ni Marlo.

Nakausap ng PUSH si Marlo sa shooting ng horror film na Santigwar na pinagbibidahan ni Alexa Ilacad. Pangalawang horror movie na ito ni Marlo na naging bahagi noon ng MMFF entry na Haunted Mansion ng Regal Films.

Kuwento ni Marlo about doing a horror film, “Isa sa pinakamahirap na i-acting is horror. Kasi paano mo ipi-fake yung takot? Kasi madaling i-fake na in love, madaling i-fake na masaya ka.

“Pero dahil natutunan ko na rin kung paano siya i-acting sa Haunted Mansion kaya medyo bawas na yung animated face ko dito sa Santigwar. Mas relax na ako. Ang medyo mahirap lang dito ay yung takbuhan.”

Kontento na ba siya sa paggawa ng mga independent films?

“Interesting yang tanong na yan,” sey niya na tila napapaisip. “Well, actually siguro kung nao-observe ng mga tao, medyo hindi na ako ganun ka-active pagdating sa teleserye. Dito kasi sa atin, ang mindset, kapag sikat may teleserye.

“Pero kasi yung mga events ko, hindi naman siya nabawasan. Yung mga raket ko na kumakanta ako tuluy-tuloy lang siya. Pagdating naman sa TF (talent fee), hindi rin naman siya nabawasan.

“Siguro dahil kahit hindi man ako nakikita sa teleserye active naman ako sa morning show (Umagang Kay Ganda). Hindi lang talaga siya masyadong napapansin na nasa limelight ako pero it’s very consistent (yung work), and happy naman ako,” katwiran pa niya.

Bukod kina Alexa at Marlo, kasama rin sa Santigwar sina Marco Gallo, Paolo Angeles, Aubrey Miles at marami pang iba. The film is produced by Horseshoe Studio and directed by Joven Tan.