Muling nakatakdang gawaran ang Most Beautiful at Most Handsome Face ng taong 2019 ng Independent Critics List ni TC Candler.
Si TC ay writer at editor ng Coming Soon Magazine ng The Independent Newspaper sa London, at nagpasimula ng naturang listahan sa loon ng tatlong dekada na. Ito ang parehong grupo ang nagbigay ng titulo kay Liza Soberano bilang Most Beautiful Face noong 2017.
Sa inilabas na bagong listahan, nakakuha ng nominasyon ang ilang Filipino Celebrities tulad nila Kathryn Bernardo, Liza Soberano, Kelsey Merritt, James Reid, at Daniel Matsunaga.
Ilan din sa mga kilalang international personalities ang kasama sa nomination. Nariyan ang tatlo sa miyembro ng Blackpink na sina Lisa Manoban, Rose, at Jennie Kim. Pasok din sa listahan sila Daniel Radcliffe, Louis Tomlinson, Noah Centineo, Harry Styles, at Zac Efron.