Amalia Fuentes, pumanaw na

Pumanaw na ang beteranang aktres na si Amalia Fuentes.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

10/5/2019 8:36 AM
Amalia Fuentes, pumanaw na


Pumanaw na ang beteranang aktres na si Amalia Fuentes sa edad na 78. Kinumpirma naman ng pamilya ni Amalia sa ABS-CBN News na binawian siya ng buhay ngayong umaga bandang alas-kwatro, nang dahil sa multiple organ failure.

"Lagi siyang nagse-seizure kahit nasa ICU (intensive care unit) siya," ani Niño Muhlach, na kanyang pamangkin.

Nag-post din ang kanyang mga apo na sina Alfonso at Alyanna Martinez sa social media at sinabing, "She is now reunited with her husband Joey Stevens, our mother Anna-Lissa Martinez and her ex-husband, our Lolo Bobby.”

"We have prayed for nothing but peace for her and now she can finally rest. Our family only asks that you respect our privacy during this time and join us in praying for her soul," dagdag pa nila.

Sa ngayon ay aasikasuhin pa ng pamilya ni Amalia ang kanyang burol.