• Home
  • Fresh Scoops
  • Regine Velasquez, nagbabalik pelikula para sa Cinema One Originals Film Festival

Regine Velasquez, nagbabalik pelikula para sa Cinema One Originals Film Festival

Kumpirmado na ang pagbabalik big screen ni Regine Velasquez-Alcasid sa pelikulang ‘Yours Truly, Shirley’ ng Cinema One Originals Film Festival.

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

10/4/2019 12:11 PM
Regine Velasquez, nagbabalik pelikula para sa Cinema One Originals Film Festival


Bibida sa bagong pelikulang lalahok sa taunang Cinema One Originals Film Festival ang Asia's Songbird Regine Velasquez-Alcasid. Sa comedy-drama film na Yours Truly, Shirley, gaganap si Regine bilang biyuda na naniniwalang ang baguhang singer na si Rayt Carreon ay isang reincarnation ng kaniyang dating asawa.

“If you break it down, the story is really sad because she hasn't gotten over the death of her husband, but this is the other side, the funny side. Because how do you deal with mourning, right? Especially if you’ve been with the person your entire life,” ayon sa Songbird.

Ito ang pagbabalik pelikula ni Regine para sa pelikula matapos ang Of All The Things noong 2012, kung saan ay nakatambal niya si Aga Muhlach.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

My heart sings out with joy for this new chapter in life! Happy to be on board! #DigistarPH Photo courtesy of BYS

A post shared by reginevalcasid (@reginevalcasid) on

 

Bukod sa bagong pelikula ng Songbird, may pitong bagong pelikula rin ang lalahok sa Cinema One Originals Film Fest; ang Lucid, Metamorphosis, O, Sila-Sila, Tayo Muna Habang Di Pa Tayo, Tia Madre, at Utopia.

Ilan sa mga ito ay pagbibidahan rin ng mga kilalang artista tulad nila Alessandra de Rossi at JM de Guzman (Lucid); Lauren Young, Anna Luna, Sarah Carlos, at Jasmine Curtis-Smith (O); Jane Oineza at JC Santos (Tayo Muna Habang Di Pa Tayo); Vin Abrenica, Arron Villaflor, at Enzo Pineda (Utopia) at iba pa.

Magsisimula sa November 7 ang naturang festival at matatapos sa November 17.