• Home
  • Fresh Scoops
  • Lisa Macuja, nagpahayag ng kalungkutan sa pagkasunog ng Star City

Lisa Macuja, nagpahayag ng kalungkutan sa pagkasunog ng Star City

Sinariwa ng Pinay ballerina ang pagkawala ng kanyang maituturing na ikalawang tahanan, ang Star Theater at Aliw Theater.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/4/2019 10:15 AM
Lisa Macuja, nagpahayag ng kalungkutan sa pagkasunog ng Star City


Photo credit: @lisamacuja IG

Magkahalong saya at lungkot ang naging selebrasyon ng kaarawan ng Prima Ballerina na si Lisa Macuja Elizalde.

Sa kanyang Facebook, sinariwa ng Pinay ballerina ang pagkawala ng kanyang maituturing na ikalawang tahanan, ang Star Theater at Aliw Theater, na kapwa nadamay sa naging sunog sa Star City.

“19 years ago, Fred gave me an 850 seater theater named Star in the middle of his amusement park named Star City. Two birthdays later he gave me Aliw Theater. This time the arena like theater could sit 2,500!”

“Yesterday, we lost almost everything in a devastating fire that ate up Star Theater, Star City, MBC building and parts of Aliw Theater,” bahagi pa ng post ni Lisa.

Malaki rin ang pasasalamat ng ballerina na walang nasaktan o nadamay na buhay sa naging sunog sa Star City.

“Today - on my 55th birthday I would just like to say THANK YOU to all who will remember those glorious years of the park complex that brought so much joy to me, my family, my company and our community! Mabuhay po tayong lahat! 

"Thank you to the Lord for NO ONE WAS HURT! Thank you to all who remember me today! Thank you for making me feel so very blessed!”

Pangako rin ni Lisa na unti-unti at sama-sama, babangon ang Star City para sa kabataang Pilipino.