• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Mark Anthony Fernandez, gustong sumabak naman sa comedy

EXCLUSIVE: Mark Anthony Fernandez, gustong sumabak naman sa comedy

Proud din si Mark Anthony Fernandez sa anak na si Grae Fernandez.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

10/4/2019 11:52 AM
EXCLUSIVE: Mark Anthony Fernandez, gustong sumabak naman sa comedy


Kahit anak ng sikat na action star na si Rudy Fernandez, paborito at gusto ring makagawa ni Mark Anthony Fernandez ng nakakatawang role sa pelikula o kahit sa telebisyon.

“Hindi ata alam ng marami, paborito ko talaga ang comedy. Yon ang pinakapaborito ko sa lahat, kasi nung teenager pa ako, yon yung sobra kong na-enjoy sa Palibhasa Lalake, di ba? Pero nung nagkaedad na tayo, sa action-drama na ako napunta. Para kasing yon na yung mas babagay sa mukha ko, eh,” natatawang kuwento ni Mark Anthony sa PUSH.

At dahil nga malilinya siya sa action at ire-remake ang ang pelikula ng tatay niya, sinimulan na raw niya ang maging health conscious.

Ani Mark, “Health conscious naman ako ever since, like nung 21 years old pa lang ako. Yon talaga ang objective ko, yung magandang katawan. Halos araw-araw kong ginagawa ang padyi-gym simula nung nakalaya ako kasi parang tumaba pa nga ata ako do’n, eh. (laughs).

“Siguro magtu-two years na akong ensayo nang ensayo. Ngayon pansin ko naman pumapayat na ako, umookey na.”

Matindi ang pinagdaanan ni Mark Anthony nung masangkot ang pangalan niya sa kaso ng marijuana, pero nalampasan niya ito.

Nakaka-experience pa ba siya ngayon ng panghuhusga mula sa mga tao na hindi alam ang tunay na nangyari sa kanya noon?

“Wala naman. Hindi naman,” tugon niya. “Buti na lang nagkaroon ako ng interview sa Rated K at nung na-interview ako do’n parang nalinawan yung mga taong kumukwestyon. Naintindihan nila kung ano yung nangyari sa akin. Nalinaw ko yung isyu.

“Sa awa ng Diyos, sa kaso ko, nung nalinaw ko yon, hindi ko naman naramdaman na ganun, na may mga nag-judge sa akin, sa awa ng Diyos talaga,” sambit pa ng aktor.

Ibinahagi rin ng aktor na pinapangatawanan niya talaga ngayon ang pagbabago para hindi na ulit maulit ang kanyang madilim na pinagdaanan.

“By God’s will. At saka siyempre, inspirasyon ko na laging magpakabuti. Oo, nakatulong naman siya (yung mga nangyari). Pero kung sasabihin na uulitin ko, siguro hindi, hindi ko uulitin yon. Napakahirap, eh. Pero nakatulong siya para ma-mold ako bilang kung ano ako ngayon,” lahad ni Mark.

Samantala, masaya din si Mark na unti-unti nang napapansin ang anak niyang si Grae Fernandez. Huling napanood ang binata sa Hiwaga Ng Kambat ng ABS-CBN.

Sa palagay ba niya, sa kanya namana ni Grae ang husay nito sa pag-arte?

“Puwede. Puwede naman, or sa lolo niya,” nakangiti niyang sagot.

“Pero kahit na… ipagpalagay natin na kunyari wala pang nangyayaring (maganda) sa kanya, okey lang naman sa akin dahil kumbaga, meron siyang nae-experience, nahahasa siya. So, sana sumikat din siya nang mabuting-mabuti,” wish ni Mark para sa anak.