• Home
  • Fresh Scoops
  • Alexa Ilacad to be launched in the horror film ‘Santigwar’

Alexa Ilacad to be launched in the horror film ‘Santigwar’

Alexa Ilacad, aminadong natatakot na mag-lead role sa unang pagkakataon.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/4/2019 12:13 PM
Alexa Ilacad to be launched in the horror film ‘Santigwar’


Photo credit: @alexailacad IG

Mabibigyan na rin sa wakas ng pagkakataong magbida sa pelikula ang very talented actress na si Alexa Ilacad. She is the lead star now in the horror film Santigwar na prinodyus ng Horseshoe Studios mula sa direksyon ni Joven Tan.

Ayon kay Alexa masaya siya but at the same time ay kinakabahan din sa kanyang biggest project.

“Never pa po akong nag-lead. Ito pong Santigwar ang pinakamalaki ko. Madalang lang po akong mag-movie, laging teleserye po,” kuwento ni Alexa sa PUSH.

“Ang huli ko po yung kay Ate Sarah (Geronimo) at saka kay Kuya John Lloyd (Cruz), yung Finally Found Someone, sister niya ako do’n. Lagi akong kapatid, bago yon, kapatid ni Ate Angel (Locsin) sa All About Her,” patuloy niyang pahayag.

Inamin din ng dalaga na wala siyang tiwala sa sarili kaya hesitant siya noon na tanggapin ang project.

“May tiwala po ako sa director ko at sa lahat ng bumbuo nito, pero wala akong tiwala sa sarili ko kaya hesitant ako na tanggapin ito,” pagtatapat niya.

“Kasi natakot ako na lead, eh. Tapos yon nga, para mag-lead ng isang movie, siyempre natatakot ako na, una, kaya ko ba yung role, yung work, yung load. Kasi never pa akong nag-lead, eh, laging either second lead or support. Which is okey ang din naman.

“So, sabi ko, kakayanin ko ba ito? Tapos kasabay pa siya ng The Killer Bride, kaya segue-segue lagi. Tapos mas natakot ako nung nalaman ko na ipapalabas siya sa sinehan. Sabi ko, ‘Hala, papanoorin ba yan? May mga manonood ba niyan?’ Kasi nga po, wala akong tiwala sa sarili ko,” lahad ni Alexa.

Eh, bakit naman wala siyang tiwala sa sarili niya?

Diretsang sagot ni Alexa, “Aminin na po natin, hindi naman ako sikat. So, sabi ko, may manonood ba niyan? Nahihiya ako na gawin ko ‘to tapos  ipalabas, tapos walang manood. So, feeling ko kasalanan ko and all, pero it’s beyond my control naman talaga kung merong manonood o wala.

“So, sabi ko, ‘Hindi! Sayang yung trabaho.’ Binigay sa akin yung project, kilala naman nila ako bago ako kinuha so alam nila kung ano’ng kaya ko at hindi kaya sabi ko, magtitiwala na lang ako.”

Dagdag na pressure din daw sa kanya na wala siyang ka-love team sa Santigwar.

“Actually, nung na-pressure ako, hindi ko na naisip na dahil wala akong love team. Kasi yung story naman, hindi naman niya hinihingi. Parang buo naman na siya as is. Hindi na siya naghahanap ng love team plot.

“Tsaka ewan ko kung may makikita silang chemistry pag kinakausap ko yung boys, pero hindi po kasi talaga yon yung point. Parang mas ano nga, eh, naaastigan nga ako kasi parang may woman empowerment siya na kinalaban ko lahat,” rason niya.

Hindi ba niya hinahanap ang magkaroon ng ka-love team?

 “Of course, minsan napapaisip ako na… mas madali kasing ang pag-akyat pag may love team kasi yon ang kinakapitan ng mga tao. Pero if hindi naman siya ibigay sa akin, okey lang, that’s why I’m trying my best to show na I’m an actress talaga, na without love team puwede akong maging character actress or mag-iba-ibang role. Nag-i-enjoy naman ako sa characters na binibigay sa akin at ayoko rin munang makulong, nag-i-explore pa ako,” deklara pa ni Alexa sa PUSH.