Rivermaya magbabalik-tanaw sa isang concert

Maagang paghahanda rin ito ng Rivermaya para sa kanilang 25th year anniversary performance.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/31/2019 1:14 PM
Rivermaya magbabalik-tanaw sa isang concert


Photo credit: @rivermayaband IG

Handang handa na ang iconic OPM rock band na Rivermaya para sa kanilang one night only concert ngayong November 3, sa Skydome ng SM North Edsa.

Ayon sa mga band member nito na sina Mark Escueta, Nathan Azarcon, at Mikee Maya asahan ang classic hits ng Rivermaya gaya ng “Himala”, “Kisapmata”, “Elesi” at “Hinahanap Hanap Kita”.

 

 

“Babalikang tanaw natin ang mga music natin from all our albums na medyo hindi na natin natutug-tog doon and sa mga sets expect na mga songs rin kami na kakantahin na never pa namin nakanta before,” ani Mark sa panayam.

Dito, sinabi rin ng grupo na sa kabila ng pagbabago ng miyembro ng kanilang grupo, nanatiling buo ang kanilang samahan na labis bilang pinapahalagahan ngayon.

“Well for me, come and go kasi kami, and important rin siguro yung coming, kung may umaalis, may pumapasok naman na members na basta naman magkakasundo kami.

“Masasabi ko na first album hanggang ngayon, lahat ng members pareho kami ng mga gustong gawin, pareho kami ng gustong magsulat ng mga kanta, and gusto namin magpasaya ng tao, throughout the 25 years, hindi kami tumigil na magsulat,” patuloy pa ng Rivermaya band member.

At sa usapin ng paglipat ni Rico Blanco sa VIVA Records, nanatili pa rin daw ang suportahan ng grupo sa desisyon ng bawat isa.

“Rico Blanco is doing good now with FILSCAP [Filipino Society of Composers Authors and Publishers] so support rin kami doon.

“Pagdating naman sa songwriting, kung sino naman ‘yung composer, sa kanya mag apply whatever ‘yung royalties and depende sa use ng song. And for the songs na siya ang nagsulat, given na sa kanya ‘yun,” pahayag pa ni Mark.

Bukod sa Rivermaya, bahagi rin si RJ Dela Fuente, ang YouTube sensation na sina Lady Pipay at Sandra Jung sa concert na ito.