Ogie Diaz, masaya para kay Vice Ganda

Nagpahayag rin ng suporta si Ogie Diaz para sa kaligayahan ni Vice Ganda.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/31/2019 12:54 PM
Ogie Diaz, masaya para kay Vice Ganda


Photo credit: @praybeytbenjamin IG

Nagbigay pahayag ang dating talent manager ni Vice Ganda na si Ogie Diaz sa tila masayang buhay pag-ibig ngayon ng It’s Showtime host.

Sa naging panayam kay Ogie, pinuri nito ang kabaitan ni Ion Perez na napabalitang espesyal ngayon kay Vice.

"Mabait 'yung bata, sobrang bait at sobra siyang mahal," tugon ni Ogie sa press.

"At saka si Ion, 'pag alam niya na masaya si Vice, mas masaya rin siya. At nakakatuwa si Ion, kasi nagbantay talaga 'yan kay Vice sa ospital," aniya pa.

Bilang dating talent manager ni Vice, wala rin nakikitang mali si Ogie sa naging desisyon ni Vice na ilantad na sa publiko ang tunay na relasyon nila ni Ion.

"Malaki na si Vice, alam na niya 'yan, at saka na timing-ngan naman niya. Sino ang kumuwestyon? May nandiri ba? Wala naman. E ganun talaga sa panahon ngayon. Kahit nga ma-in love ka sa aso 'di ba? E happiness niya 'yun e. Ito pa kaya sa tao?

"Si Vice din kasi, ang gusto niya sa lalaki hindi siya tinitignan as Vice Ganda, ayaw niya, nao-off siya. Gusto niya si Jose Mari Viceral siya, 'yun ang tingin sa kanya," patuloy pa niya.

"Kaya nga naloloko siya 'pag may lalaki na 'wala akong pakialam kahit Vice Ganda ka ‘no' mas gusto niya 'yung ganun. Ayaw niya ng 'Hi, Vice.' 'Yung humahalleluah sa kanya, ayaw niya no'n. Gusto niya, tina-trato siyang normal na si Tutoy."

Bilang kaibigan rin, naniniwala si Ogie na masaya ngayon ang estado ng puso ni Vice Ganda.

"Sabi nga ni Ion 'di ba, 'hindi siya si Vice Ganda, si Tutoy siya sa akin."