• Home
  • Fresh Scoops
  • LOOK: Jonas Gaffud trains Gazini Ganados for Miss Universe 2019

LOOK: Jonas Gaffud trains Gazini Ganados for Miss Universe 2019

Inaabangan na ang signature walk ni Gazini Ganados sa Miss Universe stage.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

10/31/2019 1:25 PM
LOOK: Jonas Gaffud trains Gazini Ganados for Miss Universe 2019


Photo credit: @jonasempire.ph IG

Sinimulan na ni Miss Universe Philippines Gazini Ganados ang kanyang paghahanda para sa nalalapit na Miss Universe pageant na gaganapin sa huling bahagi ng 2019.

Ayon sa mga naglabasan na ulat, Disyembre 8 gaganapin ang 68th edition ng Miss Universe sa Atlanta, Georgia.

Sa isang retrato na inilabas ng Miss Universe creative consultant na si Jonas Gaffud, ibinahagi nito ang tila pagtutok niya sa training para kay Gazini.

 

 

“Keeping it clean, classy but sexy..... GAZINI! Who wants to see her runway,” bahagi ng post ni Jonas sa Instagram.

Matatandaan na sa isang panayam rin noon kay Jonas, sinabi niyang handa siyang tulungan ang pambato ng Pilipinas kahit na sa ibang pageant camp pa ito nagmula.

READ: Pageant camps to join forces to prepare Gazini Ganados for Miss Universe

Sa ngayon, labis nang inaabangan ang pagrampa ni Gazini sa Miss Universe stage.