• Home
  • Fresh Scoops
  • Gary Valenciano, nagbigay opinyon sa dumaraming singing competition

Gary Valenciano, nagbigay opinyon sa dumaraming singing competition

Muling nag renew ng kanyang kontrata bilang Kapamilya si Mr. Pure Energy Gary Valenciano.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

10/31/2019 1:00 PM
Gary Valenciano, nagbigay opinyon sa dumaraming singing competition


Muling nag renew ng kanyang kontrata bilang Kapamilya si Mr. Pure Energy Gary Valenciano. At sa kanyang naging bagong kontrata, isa sa mga inihahanda ang kanyang major concert para sa kanyang 36th year sa industriya.

 

 

Dito, naitanong kay Gary kung ano ang sikreto niya sa pagpapanatili ng kanyang kakayahan sa pagkanta

“It’s really just the goodness of God has given me. I wouldn’t expect to last this long but if I were to break it down... It would be the love for what I do,” sabi pa ni Gary.

Nagbigay opinyon rin si Mr. Pure Energy sa kaliwa’t kanan na singing competition na napapanood ngayon sa telebisyon na ayon kay Gary, ay magandang outlet para sa mga baguhang singer.

“It’s a good sign and it means that there really are countless amazing vocalists in the Philippines today. Maybe their mindset may not be exactly where it should be for now. It’s the only way where they can be heard right now before a live audience,” paliwanag ni Gary.

At sa kanyang muling pagpirma, isa na daw ang asahan kay Gary ang kanyang major concert na gaganapin sa 2020.

“My major concert next year it would be my 36th year anniversary... in fact after this, I’m going to the creative meeting for that concert because i want to prepare.”