• Home
  • Fresh Scoops
  • Celebrities share their unforgettable Halloween ghost encounters

Celebrities share their unforgettable Halloween ghost encounters

Pia Wurtzbach, Judy Ann Santos, and more share spine-tingling stories from their past.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

10/31/2019 10:48 AM
Celebrities share their unforgettable Halloween ghost encounters


Celebrities share some of their most hair-raising experiences just in time for Halloween.

Pia Wurtzbach

“Oh my gosh, kaka-move ko pang ng bahay di ba so mag-wa-one week pa lang ako dun sa Century na home ko. So in my previous home, for some reason I felt like the home knew that I was leaving already. So may mga naramdaman ako dun sa condo na yun na parang naisip ko, ‘Pinapaalis mo na ba ako o ma-mi-miss mo ako? ‘ Hindi ko sure. But definitely I felt something there so baka sundan niya ako (laughs). Joke lang.”

Judy Ann Santos

“Wala akong third eye powers although sabi nila lahat naman tayo may third eye. Hindi lang siya bukas. Pero nagpapasalamat ako na hindi malakas ang pakiramdam ko sa mga ganyan. Though naniniwala ako sa lahat ng klaseng elemento, mga multo, ganyan. Kasi hindi naman mag-e-exist ang mga elements. Parang saan manggagaling ang inspiration ng ibang storybooks kung wala namang ganyan talagang nangyayari di ba? And I really believe in them. Thank God lang talaga wala akong encounter. Nakakapanaginip na parang nangyari na ito. Parang na-de-deja vu ka. Parang kunwari may namatay napapanaginipan ko siya after a few days. Like when namatay yung yaya ko for the longest time, halos second mom ko na rin siya. Kasi yung pag-pass niya, nasa-ICU siya kaya hindi ko na siya nakausap, ganyan. Sabi ko gusto lang malaman kung okay siya. Basta nung napanaginipan ko si ate Binay, nung ninth day niya after siya ilibing, nag-thank you lang siya tapos maalaiwalas siya tapos nagising ako umiiyak ako. Parang talagang nakausap ko siya but it’s through a dream. Tapos all of a sudden may nakita akong picture niya na not normally naman nakalagay doon. So may mga ganung pagpaparamdam pero hanggang ganun lang. Thank you Lord hanggang ganun lang (laughs).”

Luis Manzano

“I remember the first time I saw something, I was brushing my teeth in my dad’s house. Pagtingin ko sa sala, there was a white, bright figure that was running and it just went through a wall. Yun naaalala ko yun. I was in third year high school.”

Ice Seguerra

“Siguro ang pinaka nakatatak sa utak ko yung one time na mag-pe-play ako sa UST nun. Hindi pa ako professional singer nun, nasa college pa lang ako nun. Doon ako sa Med auditorium. Mga bandang 6 pm na yun. Tapos tumutugtog lang ako nag-pa-practice ako. Nakaupo ako sa may door ng backstage tapos sa peripheral vision ko naisip ko, ‘Bakit may naglalakad ng nakahubad dito?’ Tapos hindi ko na lang pinansin. So wala lang, brinush off ko lang. Tapos dumaan ako sa corridor na yun papunta sa elevator, pagdaan ko dun sa may mga cadaver, nakita ko lahat sila nakahubad. Sabi ko, ‘Oh sh*t.’ And then one more story in Cebu, kasama ko si Sitti with other friends. So late ako nagising tapos pababa ako, si Sitti nakita ko papasok dun sa kubo where they do the dive lessons. So pumunta ako sa may breakfast place tapos nag-text ako kay Sitti na, ‘Tara, breakfast tayo.’ So sabi niya go and then nag-order na ako. Tapos may bangkang paparating ng mga divers tapos nandun si Sitti. Sabi ko, ‘Sino yung nakita ko?’ Same damit, same everything. As in nakita ko na pumasok nung kubo eh. Tinawag ko pa nga eh. Pero wala, pumunta siya sa kubo diretso.”

Noel Cabangon

“Matagal na yun na may nakita ako na long hair na matanda sa probinsya and then sa tabi ng puno. Minsan kasi nakakakita ako. Nakakita na rin ako ng katabi ko kasi nung bata ako kung saan saan din ako natutulog eh sa mga barkada, kaya mga ganun. Nakakatakot kaya hindi ko pinapansin. Nakakaramdam din ako pero hindi ko ini-entertain kasi mahirap eh.”

Gian Magdangal

“Matatakutin ako. hindi ako nanunuod ng mga horror movies, mga ganyan. Pero I think the last time natakot ako was when I went into a horror house in Hong Kong sa Ocean Park. Pumunta kami sa isang Chinese horror house. It was one of the scariest things. You go through a thin wall and all of that and dun kinilabutan ako. Talagang natakot ako dun. Kinilabutan ako.”

Nanette Medved

“I think maybe when director Lino Brocka passed away and we were quite close. We were filming together the movie Huwag Mong Salingin Ang Sugat in Culion (Palawan) so I think during that time, it was only scary because we missed him.”