• Home
  • Fresh Scoops
  • Beauty Gonzalez, ibinuking ang password ng WiFi connection sa kanyang bahay

Beauty Gonzalez, ibinuking ang password ng WiFi connection sa kanyang bahay

Sa kanyang pagbabalik sa Tonight With Boy Abunda, panibagong rebelasyon ang ibinahagi ng Kadenang Ginto star na si Beauty Gonzalez--ang nakakatawang password ng WiFi connection sa kanilang bahay.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

10/31/2019 12:42 PM
Beauty Gonzalez, ibinuking ang password ng WiFi connection sa kanyang bahay


Noong siya ay huling nag-guest sa late night talk show na Tonight With Boy Abunda (TWBA), ibinahagi ng aktres na si Beauty Gonzalez ang kwento sa likod ng kanyang "naughty" e-mail address.

At sa kanyang pagbabalik sa nasabing show nitong Miyerkules, panibagong rebelasyon ang ibinahagi ng Kadenang Ginto star--ang nakakatawang password ng WiFi connection sa kanilang bahay ng asawang si Norman Crisologo.

Nagsimula ito nang tanungin ng host na si Boy Abunda kung nagpalit na ba ng e-mail address si Beauty mula noong huli siyang nag-guest sa show.

READ: Beauty Gonzalez, sinabi kung sino ang kamukha ni baby Elias Modesto Cruz

"Hindi pa. It spells [email protected]," natatawang sagot ni Beauty.

"At marami akong inquiries. They're really asking, 'Do you really want to be spanked?' Natatawa na lang ako minsan sa mga e-mail nila," dagdag niya.

"Do you really want to be spanked?", tanong namang muli ni Tito Boy.

"No," sagot ng Kapamilya star.

Dito na ibinuking ni Beauty ang nakakatawang pangalan at password ng kanilang WiFi connection at home.

Aniya, "Kasi usually, Tito Boy, nasisira 'yung data ko ng phone. Sabi ko, 'Ano bang WiFi natin? Parang 'di ko pa na-try 'yung WiFi natin. Ilang taon na ako rito sa bahay na 'to.

"Sabi niya, 'spankmenorman.' 'Ah, okay.' 'Anong password?' 'eatmebeauty.'"

Isa lamang ito sa mga pinag-usapan ni Beauty at Tito Boy sa kanyang episode sa TWBA, kung saan ito nag-guest upang i-promote ang kanyang bagong pelikula na Hellcome Home sa ilalim ng Star Cinema.

Palabas na ngayon sa mga sinehan ang nasabing horror film, kung saan bida rin sina Dennis Trillo, Raymond Bagatsing, at Alyssa Muhlach.