• Home
  • Fresh Scoops
  • Alyssa Muhlach, nagbigay pugay sa namayapang lola na si Amalia Fuentes

Alyssa Muhlach, nagbigay pugay sa namayapang lola na si Amalia Fuentes

“If it weren’t for her, there were really no Muhlach in this industry,”sabi ni Alyssa Muhlach sa pagpanaw ng kaniyang lola Amalia Fuentes kamakailan.

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

10/31/2019 11:52 AM
Alyssa Muhlach, nagbigay pugay sa namayapang lola na si Amalia Fuentes


Photo credit: @alyssamuhlach IG

Inalala ng Hellcome Home actress na si Alyssa Muhlach ang kamakailang pagpanaw ng Muhlach matriarch na si Amalia Fuentes sa interview niya sa PUSH Bets Live.

"It all dawned upon me during the burial... iba pala yung sakit kapag burial, alam mo kasi na nandoon siya tapos parang iiwan mo siya there. So it was really heavy on my end," pahayag ng aktres.

Maaalalang naging laman ng balita ang pagpanaw ng beteranang aktres na si Amalia nitong October 5, sa edad na 78. Kasabay nang nasabing ganap ay ang pagpanaw rin ng isa pang kilalang aktor sa industriya, si Tony Mabesa.

https://push.abs-cbn.com/2019/10/6/fresh-scoops/celebrities-mourn-death-of-icons-tony-mabesa-amal-218126

Binigyang pugay ni Alyssa ang lola at nagpasalamat sa pagsisimula para sa career ng pamilya sa industriya.

"My lola Amalia played a super important role in our family kasi she really started it all. She really began it all for all of us. If it weren't for her, there were really no Muhlach in this industry. Kaya we're so grateful," pagpapatuloy ng beauty queen.

Nang tinanong kung anong payo mula sa kaniyang lola ang hindi niya malilimutan, "My lola Amalia is a perfect example of an empowered woman. She really stood on her own and she's so smart.

"She always says na if you can do it, then you should do it. Like, you shouldn't relying on other people," dagdag ni Alyssa.

Sa kabila ng pagiging pinaka-unang Muhlach na sumali sa beauty pageants, aminado si Alyssa na isang challenge pa rin para sa kaniya ang pagpasok sa showbiz.

"I think because a lot of my relatives are in showbiz. So parang pag nalaman nilang I'm related to my tito, tita, my cousins, they're always like, 'Ah so siguro magaling ka'... My relatives set the bar so high," ani Alyssa.

"I'm not born as good as Tito Aga. That's why I always remind myself kapag nape-pressure ako, na it's really a process. You'll really get better through time, you'll really learn from the multiple roles that will be given to you," pagpapatuloy niya.

Panoorin ang buong interview dito:

READ: Alyssa Muhlach, tinawanan na lang ang pagka-dapa sa stage sa nakaraang Miss World Coronation Night

Mapapanood na sa mga sinehan ang Hellcome Home, kung saan ay kasama dito ni Alyssa sa pagganap sila Dennis Trillo, Beauty Gonzalez, at Raymond Bagatsing.