• Home
  • Fresh Scoops
  • Ronnie Liang, inilarawan kung gaano kabait si Sarah Geronimo sa kapwa artists niya

Ronnie Liang, inilarawan kung gaano kabait si Sarah Geronimo sa kapwa artists niya

Malaking pasasalamat ni Ronnie Liang na magiging guest niya si Sarah Geronimo sa kanyang concert.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/30/2019 11:18 AM
Ronnie Liang, inilarawan kung gaano kabait si Sarah Geronimo sa kapwa artists niya


Photo credit: @ronnieliang IG

“Kung meron man po akong masasabing pinakamabait na taong nakilala ko si Sarah (Geronimo) po ‘yon.” Ito ang description ni Ronnie Liang sa Popstar Royalty na maggi-guest sa kanyang Love X Romance concert na gagawin sa November 8 sa Music Museum.

“Mabait siya. She’s also talented and kind-hearted. She’s awesome. She supports her co-artists. Ang yung craft niya, talagang ini-enhancen iya. Matalino din siya and very professional,” dagdag na papuri pa niya kay Sarah.

Hindi rin daw niya malilimutan sa tuwing ii-introduce siya ni Sarah kapag naggi-guest siya sa concert nito.

“Nakakataba ng puso kapag ini-introduce niya ako sa stage kapag ako yung guest niya. Hindi na niya binabasa yung teleprompter. ‘Alam po ninyo, ang aking guest, siya po ang original ng ‘Ngiti,’ award-winning singer po siya at ito dapat ang binibigyan ng concert…’ May mga ganun pa siya. Grabe kung i-build-up niya ako sa audience,” sey pa ni Ronnie.

 “Coming from her, nakakatuwa at nakakataba ng puso. Hindi niya ipaparamdam sa ‘yo na big star siya, ang mapi-feel mo, pareho lang kayong artist,” komento ulit niya.

Nasa Pinoy Dream Academy (PDA) pa lang si Ronnie noon ay very vocal na siya na gusto niyang makatrabaho si Sarah.

“I’ll be forever grateful na yung pangarap ko na makasama siyang mag-perform ay natupad sa tulong na rin ng Viva. And of course, si Sarah din, kasi siya ang may final say if she wants kung maggi-guest ako sa concert niya at mag-guest siya sa concert ko at mag-collab kami. God is good, answered prayer siya for me.

“Since Pinoy Dream Academy pa sinasabi ko na gusto kong maka-duet si Sarah, to do a show with her, maka-collab siya. It took me a decade… I mean it took many years bago ‘yon nangyari,” lahad pa ng singer.

Naibahagi rin ni Ronnie na sinuportahan niya ang Unforgettable ni Sarah by joining her sa series of mall shows para i-promote ang pelikula.

“I joined the Unforgettable mall tours to show my gratitude sa kanya. Siya kasi, alam mo na you are welcome on her side and she’s delighted on having you sa stage.”

Ayon pa kay Ronnie, maaari raw na ang pagiging pareho nilang produkto ng singing competition ang dahilan kung bakit magaan ang loob sa kanyang dalaga.

“Nature na niya talaga yon, yung pagiging very accommodating sa kapwa artist niya… Pero siguro, kasi pareho kaming nanggaling sa contest –siya sa Star For A Night at ako naman sa PDA. Alam n’ya siguro yung feeling na ganun, na same kayo ng pinagsimulan,” wika pa ng pop balladeer.

Eh, ano naman ang reaksyon niya na bukod sa ganda ng boses niya ay ikinokonsider din siya ng marami bilang “hot guy” dahil sa ganda ng kanyang pangangatawan?

“I guess nagsimula yannung nag-post ako na kita ang abs ko. Tapos previously, gumawa rin ako ng indie film at nagpakita ako ng katawan ko. Siguro, tumatak yon sa kanila. Hahaha! Sa akin, I’m flattered, at least nagbunga yung mga paghihirap ko, yung pagwo-workout, pagda-diet.

“It’s flattering on my part, it’s a compliment. Kapag ganun ang tingin nila sa akin hindi ko napi-feel na nababastos ako or something. Kasi bakit ka pa nag-workout or nag-diet kung ayaw mo naman na mapansin ka, di ba?” rason pa niya.

Bukod kay Sarah, guests din ni Ronnie sa kanyang Love X Romance concert sina Ella Cruz at Janine Tenoso. Kabilang sa mga repertoire ni Ronnie sa concert ay ang mga kanta ng dekada ‘70, ‘80, ‘90 at ibang current hits. Sa mismong concert din daw nila kakantahin ni Sarah ang kanilang collab song titled “Liwanag” na kasama sa kanyang ilalabas na digital album.

Mabibili ang tikets sa Love X Romance sa Ticketworld.com.ph  at sa mismong Music Museum.