• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘Mahusay’: Judy Ann Santos, bilib sa pagganap ni Heaven Peralejo sa ‘Starla’

‘Mahusay’: Judy Ann Santos, bilib sa pagganap ni Heaven Peralejo sa ‘Starla’

Pinuri ng ‘Starla’ lead actress na si Judy Ann Santos si Heaven Peralejo sa pagganap nito bilang batang karakter niya.

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

10/30/2019 12:23 PM
‘Mahusay’: Judy Ann Santos, bilib sa pagganap ni Heaven Peralejo sa ‘Starla’


Pinuri ng Prime Superstar na si Judy Ann Santos ang Starla co-star na si Heaven Peralejo dahil sa pagganap nito bilang mas batang karakter niya.

"Mahusay si Heaven. Nakakatuwa dahil her work dito sa Starla very effortless, it looks so natural. Congrats to you Heaven," pahayag ni Juday sa interview ng PUSH.

Simula nang umere ang naturang serye noong October 7, marami na ring netizens ang humanga sa naging performance ni Heaven.

Bukod kay Heaven, bilib din si Juday sa dalawa pang cast at magkatambal na teen star sa Starla, sina Grae Fernandez at Chantal Videla.

"Si Chantal, mahiyain pa si bagets e, pero alam mo kung ano ang gusto niyang gawin. Pretty kasi niya e, sabi ko nga puwede siyang maging beauty queen e. Ang legs parang skyway, ang haba," masayang kuwento ni Juday.

"Si Grae naman looks and moves nang parang yung daddy niya na nakatrabaho ko na rin. They'll both go a long way because they're both very patient and they know how to get along with people. I hope it stays that way," ani ng aktres na tinutukoy ang ama ni Grae na si Mark Anthony Fernandez.

Patuloy na mapapanood ang Starla, gabi-gabi sa Primetime Bida.

Samantala, aabangan din si Judy Ann Santos sa bagong pelikula na Mindanao, kung saan ay kalahok sa taunang Metro Manila Film Festival.