• Home
  • Fresh Scoops
  • CUTE! Jane de Leon, spotted with kid wearing a Darna costume for Halloween

CUTE! Jane de Leon, spotted with kid wearing a Darna costume for Halloween

Ang nakakatuwang pagkikita ng bagong Darna at ng isang mini-Darna.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

10/30/2019 2:19 PM
CUTE! Jane de Leon, spotted with kid wearing a Darna costume for Halloween


Tuwang tuwa ang aktres na si Jane De Leon nang makasalubong niya ang isang batang naka-Darna costume sa loob ng ABS-CBN compound kamakailan. Nakuhaan ng ilang staff and cute na cute na pagkikita ni Jane at ng mini-Darna na uma-attend ng isang Halloween party sa loob ng Kapamilya network.

Nasa opisina ng Star Magic si Jane para sa isang meeting kaya’t nasiyahan siya nang kanyang makita ang bata.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

The new #Darna with a cute little Darna! @imjanedeleon

A post shared by Push (@pushalerts) on

 

Di pa man isinisiwalat ang bagong costume ni Darna, marami na din ang nag-aabang sa magiging itsura ni Jane kapag isinuot na siya ito. 

Naghahanda na rin ang dalaga sa kanyang training para sa iconic role ng Komiks superhero.

READ: Fitness training at Darna costume fitting sinimulan na ni Jane De Leon

At ayon sa naging panayam sa kanya ng PUSH noong nakaraang Black Magic party, sinabi ni Jane na ready na siya sa mga challenges na kanyang haharapin para mapagbutihan ang role niya bilang makabagong Darna.

"Sobrang ready na talaga ako. Hindi ko  ine-expect na ibinigay ang opportunity na ito ni Lord. Kinakabahan ako but it's normal naman and siyempre , gusto ko lang din mapasaya ang mga tao," pahayag niya.