• Home
  • Fresh Scoops
  • Alyssa Muhlach, tinawanan na lang ang pagka-dapa sa stage sa nakaraang Miss World Coronation Night

Alyssa Muhlach, tinawanan na lang ang pagka-dapa sa stage sa nakaraang Miss World Coronation Night

Ipinaliwanag ni Reina Hispano Americana Filipinas 2018, Alyssa Muhlach ang nangyaring pagka-dapa sa stage habang tinatapos ang kaniyang farewell walk sa nakaraang Miss World Coronation Night.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

10/30/2019 12:02 PM
Alyssa Muhlach, tinawanan na lang ang pagka-dapa sa stage sa nakaraang Miss World Coronation Night


Sa huling sandali ng kaniyang titulo bilang Reina Hispano-Americana Filipinas 2018, naging usap-usapan ang kamakailang pagka-dapa ni Alyssa Muhlach sa stage habang nasa farewell walk, sa naganap na Miss World 2019 coronation night noong September 15.

Paliwanag ni Alyssa hindi sinasadyang matapakan niya sariling ball gown dahil sa sobrang 'chill' niya nang mga panahong iyon.

"Nung nahulog ako, natawa na lang talaga ako. Kasi I was so chill, kasi I was walking all over the stage. Parang sabi ko, 'Okay kaya ko naman palang mag-walk nang hindi ko iniisip na I have to be careful.' Kasi minsan nakikita sa ‘yo kapag you're thinking about the steps. So nung biglang hindi ko naman inisip, doon ako nahulog," pahayag ni Alyssa sa interview ng PUSH.

READ: Michelle Marquez Dee, wins Miss World PH crown

Isa sa mga bida sa bagong pelikula na Hellcome Home si Alyssa na ikalawa na niyang horror movie matapos ang pagganap sa Clarita noong February. Bukod sa pelikula, mapapanood din si Alyssa bilang Pia sa seryeng Pamilya Ko. Dito, katambal niya si JM De Guzman, at ka-love triangle si Arci Muñoz.

Panoorin ang buong interview dito:

Ayon kay Alyssa, wala pa sa kaniyang isip ngayon ang sumali muli sa beauty pageants.

"Nung nagte-training ako for beauty pageant, there were many candidates na I've trained with na paulit-ulit silang sumasali. And I used to not understand bakit paulit-ulit. Pero now that I've joined na-realize ko na 'Ah okay ganito pala yung feeling, na parang feeling na there's something missing.'

"So hindi ko pa nadi-discover. Nasa utak ko lang ba yon or do I really feel it in my heart to join again. I'm still trying to think about it," paliwanag ni Alyssa.

READ: Alyssa Muhlach sa kaniyang bagong leading man na si JM De Guzman: “He’s a gentleman”

READ ALSO: EXCLUSIVE: Alyssa Muhlach says being the daughter of Paul Alvarez and Almira Muhlach comes with a pressure

Mapapanood na sa mga sinehan ang Hellcome Home.