Ai Ai delas Alas, inaming dating naging kabit

Aminado ang comedy superstar na si Ai Ai delas Alas na dati siyang naging mistress o “kabit”.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

10/30/2019 1:34 PM
Ai Ai delas Alas, inaming dating naging kabit


Aminado ang comedy superstar na si Ai Ai delas Alas na dati siyang naging mistress o "kabit".

"Parang ang bigat bigat ng buhay mo tapos parati kang malungkot. Hindi ka na maging masaya," kwento ni Ai Ai sa panayam ng veteran reporter na si Ricky Lo ukol sa kanyang naging karanasan bilang isang aminadong kerida.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Thank you @headwayverasalon. Visit us at Festival Mall Alabang and avail of our rainy season promos! #BeVeraBeautiful

A post shared by AIAI DELAS ALAS (@msaiaidelasalas) on

 

Ayon kay Ai Ai, marami siyang natutunan sa loob ng pitong taon na pagiging isang mistress. Kaya payo niya sa mga dumadaan sa kaparehas na sitwasyon, "Hangga't maaari, kung pwedeng iwasan, iwasan na lang. Kasi siyempre, sabi nga nila, bawat pagpatak ng luha nung legal na asawa, 'yun 'yung pagbabayaran mo."

"So, ako tingin ko, marami akong pinagbayaran," dagdag niya.

 

 

Sa ngayon, masaya na ang aktres sa piling ng kanyang asawang si Gerald Sibayan. Sa darating na Disyembre ay ipagdidiwang ng dalawa ang kanilang second anniversary bilang isang married couple.