• Home
  • Fresh Scoops
  • Sarah Geronimo, bilib sa professionalism ng ‘co-star’ na si Milo

Sarah Geronimo, bilib sa professionalism ng ‘co-star’ na si Milo

Masayang ikinuwento ni Sarah Geronimo ang first experience niya na makatrabaho ang isang aso sa pelikula.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/3/2019 8:06 PM
Sarah Geronimo, bilib sa professionalism ng ‘co-star’ na si Milo


Photo Credit: @bela @justsarahgph on IG

“Liberating.” Ganito kung ilarawan ng popstar-royalty na si Sarah Geronimo ang kanyang bagong karakter sa pelikulang Unforgettable.

Kuwento ni Sarah na nagbabalik pelikula ngayon, masaya siya na makasama ang talented na aso na si Milo sa bagong proyekto.

“Masarap, liberating ang pakiramdam kasi you’re not depending on a leading man. Talagang nag-ba- bank ka doon sa istorya itself at sa script also,” tugon ni Sarah sa panayam.

Dahil unang beses na gaganap sa kakaibang role kasama ang talented na aso, muling binalikan ni Sarah ang ilan sa mga behind the scenes na eksena nila ng aso.

“Wala po kami naging problema na ganun, nakakagulat nga kasi napaka-focused niya. Nakakagulat kasi first time na sinabi ng trainer niya while we are doing a scene ‘focus Milo, focus’ talagang focused talaga at every time, ‘yun ang binibigay big focus. Professionalism, ‘di ba? ‘Yung aso professional, nahiya nga me eh,” masaya at natatawang kuwento ni Sarah.

Pag-amin pa ng aktres, malapit sa kanyang puso ang proyekto dahil sa kanyang pagkahilig sa aso.

“Medyo kakaiba po ‘yung role, first time ko gumawa ng ganitong klaseng role pero it’s something na talagang close to my heart kasi malapit siya sa puso ko for some reason,” aniya pa.

Dagdag pa ni Sarah, isa rin sa hamon sa kanyang karakter ang isang damit na kanyang suot sa kabuuan ng proyekto.

“Medyo, kasi especially ‘pag kinonsider mo ‘yung weather po, mga times na uulan, biglang, uulan tas biglang iinit. Ako pa, kasi kahit sobrang init, isa lang ang damit ko, lagi ako naka cardigan doon so medyo challenge ‘yun. Pero okay lang kasi gustong-gusto ko ‘yung ginagawa ko,” pahayag pa niya.

Mapapanood ang Unforgettable ngayong Oktubre 23 sa direksyon ni Jun Lana at Perci Intalan.