• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘Jowable’ kumita ng higit P47M in 6 days sa takilya, Kim Molina bukas na magkaroon ito ng sequel

‘Jowable’ kumita ng higit P47M in 6 days sa takilya, Kim Molina bukas na magkaroon ito ng sequel

Kim Molina, napaiyak nang mabalitaan ang success ng pelikula niyang ‘Jowable.

BY GARY ANN LASTRILLA

Instagram: @iamgaryann

FRESH SCOOPS

10/3/2019 12:49 PM
‘Jowable’ kumita ng higit P47M in 6 days sa takilya, Kim Molina bukas na magkaroon ito ng sequel


Masayang masaya ang buong cast at crew ng Viva Films offering na Jowable matapos maging blockbuster hit ito. In six days, kumita na agad ang pelikula ng humigit P47.5 million in box office sales.

Sa victory party ng Jowable nitong Lunes, Setyembre 30, sa Wingzone ng SM Megamall, ibinahagi ni Kim ang pakiramdam sa mga blessings na natatanggap.

“Natutuwa po kami na kami pong mga normal din na actors nabibigyan ng pagkakataon, ‘yun po talaga ‘yung bonus sa’min kasi after this, naniniwala po ako na mga katulad ko po din magkakaroon din ng mga [big projects],” ani Kim na isang theater actress at napapanood din sa ilang mainstream TV shows katulad ng Kadenang Ginto at The General’s Daughter.

Aniya, napaiyak daw siya nang malaman ang success ng pelikula dahil hindi niya ito inasahan.

Samantala, nang matanong kung posible bang magkaroon ng sequel ang pelikulang ito, sagot ni Kim, “Sana. I do not know. Hindi ko po alam, eh. Game naman po ako sa sequel.” Pabiro pa niyang dinagdag, “Siguro po malulunod na po si Elsa sa alak, ano? Pero okay naman po tayo ‘dun, sige po.”