Jay R at Mica Javier, nakatakdang ikasal sa 2020

Ayon kay Mica Javier, napag-desisyunan nilang magkasintahan na dito na lang sa Pilipinas ganapin ang seremonya upang magbigay daan sa kanilang mga guests.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

10/3/2019 4:32 PM
Jay R at Mica Javier, nakatakdang ikasal sa 2020


Photo credit: @mica IG

"Wala pa akong masyadong details na maaring ibigay, pero next year na siya 2020, Summer."

Ito ang kinumpirma ng aktres na si Mica Javier sa panayam ng ABS-CBN News patungkol sa kanyang inaabangang pagpapakasal sa nobyong si Jay R.

Ayon pa sa GirlTrends member, napag-desisyunan nilang magkasintahan na rito na lang sa Pilipinas ganapin ang seremonya upang magbigay daan sa kanilang mga guests.

"Kasi beach siya, beach wedding. Sa Pilipinas (mangyayari), huwag na nating pahirapan (ang mga pupunta). Ang laki kasi ng family namin both," dagdag niya.

Samantala, hindi naman maitago ni Mica ang kanyang excitement nang tanungin tungkol sa kanilang paghahanda ni Jay R para sa nalalapit na kasal.

"Madali siyang process kasi maaga siyang nasimulan, I'm just very excited. Sobrang chill lang namin ni Jay R, pa-simple lang kami pero sa totoong buhay marami nang nangyayari to fix and finalize kung ano ang gagawin namin," ani ng Los Bastardos star.

"Lahat ng gusto naming dalawa pinag-uusapan namin. Kung may idea ako na gustong gawin, kailangan kong ipa-approve muna sa kanya and 'yung personality namin medyo simiilar ang taste namin sa ganyan," dagdag pa niya.

Taong 2018 nang kumpirmahin ng dalawa ang kanilang engagement mahigit limang taon matapos silang unang maging official couple.