Elha Nympha, binabantayan na daw ang kaniyang figure ngayon

Kasama ang kaniyang mga kaibigan, nagsimula nang mag-gym ang The Voice Kids Season 2 winner na si Elha Nympha.

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

10/3/2019 1:35 PM
Elha Nympha, binabantayan na daw ang kaniyang figure ngayon


Photo credit: @elhamaenymphaofficial IG

Aminado ang The Voice Kids Season 2 winner na si Elha Nympha na naku-kumpara niya ang sarili sa ibang teenagers lalo na sa aspetong pisikal.

"Pero hindi naman po ako nagpapa apekto doon kasi yung ginagawa ko po ngayon, ay gusto ko po, gusto ko pong mangyari sa sarili ko. At feeling ko po kasi kapag ginawa ko sa sarili ko itong pag-eexercise, magiging healthy po ako," paliwanag ni Elha sa episode ng Magandang Buhay nitong Martes, October 1.

Marami ang nagulat at natuwa sa transformation ni Elha na unang napansin noong nakaraang taon. Nasusubaybayan kasi ng mga tagahanga niya ang kaniyang pinanggalingan nang una itong makita sa The Voice Kids noong 2015.

LOOK: OMG! Elha Nympha surprises netizens with new 'transformation'

Patuloy ni Elha, nagsimula siya sa pagda-diet hanggang sa nag-umpisa siyang mag-exercise at mag-workout kamakailan.

"Mga last month po nag-decide po akong mag-gym kasi may mga kasama po ako. Kasama ko po sila Janine tsaka sila ate Angela Muhlach.

"Nag-diet po kasi muna ako, tapos after po non, ayun nag-gym na po kami," kuwento ni Elha na agad na hinangaan ng mga momshie hosts.

"Maganda yan na mga bata pa lang kayo may mga disiplina na kayo sa katawan ninyo kasi very important yan lalo na ngayon na marami nang nagkakasakit," sabi ni Melai Cantiveros.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Felt cute might delete later 😎😎😎

A post shared by Elha nympha (@elhamaenymphaofficial) on

 

READ: EXCLUSIVE: From Biritera to Gamer: How Elha Nympha became drawn to online gaming

Ipinakilala si Elha bilang miyembro ng bagong trio group sa ASAP Natin To na tinatawag na "New Gen Champs". Kasama niya rito sila Zephanie Dimaranan, at Janine Berdin.