• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘Tao lang po, nagmumura rin’: Claudine Barretto, may reaksyon sa nag-viral niyang video sa ASAP

‘Tao lang po, nagmumura rin’: Claudine Barretto, may reaksyon sa nag-viral niyang video sa ASAP

First time ding ipinakilala ni Claudine Barretto ang kaniyang new adopted baby boy na si Noah.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

10/29/2019 11:07 AM
‘Tao lang po, nagmumura rin’: Claudine Barretto, may reaksyon sa nag-viral niyang video sa ASAP


Inalala ng Optimum star Claudine Barretto ang nag-viral na clip mula sa isang episode ng ASAP noong 2003, kung saan ay nakuhanan ang hindi sinasadyang pagmumura niya. Natatawang pinanood, sinabi ni Claudine na siya ang unang nag-trending sa YouTube dahil sa naturang video.

"Oy excuse me at least nauna ako sa YouTube. Tao lang po, nagmumura rin, ‘di ba?

"Alam after no'n, pumunta ako sa booth ni Mister M (Johnny Manahan, ang director ng ASAP), tawa siya nang tawa, akala ko masu-suspend ako ng MTRCB, thank God hindi. Pero at least masasabi ko nauna ako sa YouTube," kuwento ni Claudine sa episode ng Showbiz Pa More.

Ayon pa sa aktres, hindi naging big deal ang naturang insidente gawa rin ng wala naman siyang 'image' nang mga panahong iyon.

"Not exactly everybody pero siguro kapag nangyari rin sa inyo nu'n, yun rin ang masasabi niyo minsan. Yun lang ang maganda kasi wala akong image so na-accept naman ng tao," paliwanag ni Claudine.

Tinuturing man na most embarrassing moment para sa kaniya, natatawang biniro pa ni Claudine na walang makakapantay sa kaniya pagdating sa naturang insidente na 'yon.

Panoorin ang buong interview dito:

READ: Claudine Barretto, na-ospital matapos magkatensyon sa burol ng ama

READ: Claudine Barretto explains side in family conflict

Sa parehong episode din ng Showbiz Pa More, unang beses na ipinakilala ni Claudine Barretto ang kaniyang newly adopted baby na si Noah.

"As a mother, I feel really complete now. Kaysa sa mag-boyfriend boyfriend ako. Sobrang blessed ako talaga, kung gaano kabait ang mga anak ko. Sila Sabrina at Santino, sobra," ani ng aktres.

Sa ngayon, isang proud na ina si Claudine sa apat niyang anak na sina Sabina (na kaniyang inampon bago pa ikasal), Santino (mula sa ex-husband niyang si Raymart Santiago), si Quia na inampon niya noong 2015, at ngayon ay si Noah.