Puntod ng dating aktres na si Lilia Cuntapay, naipaayos na

Maayos na ngayon ang puntod ng dating aktres at tinaguriang “horror queen” ng Pilipinas na si Lilia Cuntapay.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

10/29/2019 12:56 PM
Puntod ng dating aktres na si Lilia Cuntapay, naipaayos na


Maayos na ngayon ang puntod ng dating aktres at tinaguriang "horror queen" ng Pilipinas na si Lilia Cuntapay.

Ito ang masayang ibinalita ng kanyang anak na si Gilmore sa panayam ng ABS-CBN News kung saan pinasalamatan nito ang pamahalaan ng Ilocos Norte at bayan ng Pinili sa pag-abot ng tulong upang mapaaayos ang himlayan ng kanyang yumaong ina.

Photo by Marvin Agustin as shared by ABS-CBN News 

"Sa ngayon nalagyan ko na ng lapida. Ang aming mayor na si Rommel Labasan, kumuha ng mga trabahador, pinalinis ang paligid ng puntod at tapos ay pininturahan," aniya.

Ani Pinili mayor Rommel Labasan sa dating aktres, "Malaki ang naging kontribusyon niya sa bayan at para rin makita na sa huling hantungan niya ay maganda."

Matatandaang Oktubre ng nakaraang taon nang humingi ng tulong ang pamilya ni Lilia na mapasaayos ang puntod ng kanilang ina na napabayaan dahil umano sa kakulangan ng pera.

Pumanaw ang "horror queen" noong 2016 matapos siyang magkasakit sa spinal cord.

Ilan sa mga pelikulang ginawa ni Lilia bago ito pumanaw ay ang My Bebe Love, Enteng ng Ina Mo at Six Degrees of Separation from Lilia Cuntapay na hango sa kanyang buhay.