Pia Wurtzbach, may personal touch ang ginagawang vlog

Beautiful and glowing si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach sa kanyang naging contract signing para sa ABS-CBN publishing.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/29/2019 11:49 AM
Pia Wurtzbach, may personal touch ang ginagawang vlog


Photo credit: @piawurtzbach IG

 

 

Beautiful and glowing si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach sa kanyang naging contract signing para sa ABS-CBN publishing. Bagong goal ni Pia ang magsulat ng libro na magbibigay inspirasyon sa readers.

Pero sa interview portion, naibahagi ng Pinay Miss Universe ang istorya sa likod ng kanyang vlog entry na bad mood siya at mukhang may pinagdaraanan.

“I was having a bad day and then, I told myself i-vlog ko na ito? Kasi di ba kapag nag-vlog ka lagi ka masaya maganda ka ready ka na lumabas. I thought why don’t I share something more real,” sabi pa ni Pia.

Gusto rin iparating ni Pia sa kanyang audience na gaya ng isang normal na tao ay nagkakaroon din siya ng mga araw na hindi siya okay pero kailangan niyang lumaban.

“Because people think were okay all the time, that I’ve won a beauty pageant a few years ago then I’m set for life. I’m not going to have a bad day then. There are also days when I feel like wala naman problema, wala naman ako kaaway pero gutom ba ako (laughter)? And I wanted to share that you know,” kuwento pa ng pinay Miss Universe.

Dagdag pa ni Pia, madalas din siyang mag-overthink ng mga bagay bagay na nagaganap sa kanyang career at personal na buhay.

“The human side and I’m telling you guys na wala naman problema pero sometimes we wake up on the wrong side of the bed... pwede pa maging mas ok lahat eh... I’m always thinking ahead what else can I do?” pahayag pa ni Pia.

Sa ngayon, looking forward na si Pia sa kanyang libro na gagawin.