• Home
  • Fresh Scoops
  • Neocolours muling magsasama para sa ‘Tuloy Pa Rin Ang Banda’ concert

Neocolours muling magsasama para sa ‘Tuloy Pa Rin Ang Banda’ concert

Ipinaliwanag ng Neocolours kung bakit sila nag-disband noon.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/29/2019 12:15 PM
Neocolours muling magsasama para sa ‘Tuloy Pa Rin Ang Banda’ concert


Marami ang excited na muling magsasama sa iisang stage ang sikat na banda noong ‘80s na Neocolours. Pagkatapos ng maraming taon, may reunion concert ang iconic band titled Tuloy Pa Rin Ang Banda na gaganapin sa November 16 sa Music Museum.

Dekada 80 nang mabuo at mamayagpag sa music industryang Neocolours. Ang banda ay binubuo nina Jimmy Antiporda (keyboards), Ito Rapadas (vocalist), Marvin Querido (2nd keyboards), Josel Jimenez (guitar), Paku Herrera (bass). and Nino Regalado (drums).

Ilang taon din silang namayagpag with numerous hit songs tulad ng “Kasalanan Ko Ba,” “Say You’ll Never Go,” “Tuloy Pa Rin,” “Maybe,” and “Hold On” among others.

Sa presscon para sa kanilang Tuloy Pa Rin Ang Banda concert ay present ang tatlong founding member ng Neocolours na sina Jimmy, Ito, and Marvin. Sinagot din nila kung ano talaga ang dahilan at kung bakit na-disband ang kanilang banda.

Ang maganda nga lang daw, kahit naghiwa-hiwalay na sila ay hindi sila nagkaroon ng samaan ng loob.

Ayon sa paliwanag ng bokalistang si Ito, buo pa raw ang grupo ay may mga iba nang work ang ibang miyembro tulad nina Marvin and Jimmy.

“Nagtatrabaho na sila as music arrangers. I am talking about 1989. There were young arrangers back then. So, syempre, sa industry natin, we always want young blood, di ba?

“So, andami nilang trabaho, even when were active as Neocolours members. Kaya siguro, ang tingin ko, slowly, ‘yung attention nila, doon pumupunta. Parang tingin ko rin, ‘yun ‘yung evolution din ng bawat isa sa amin,” lahad ni Ito.

Dugtong niya, “Ako, siyempre ako ‘yung singer, di ba? So, parang ako ‘yung pinakahuling natira du’n sa group. Mga bandang 1994, I started to work for Universal Records as a house producer. Pero nagkikita naman kami, magkakaibigan kami. No issues kung baga.”

Reaksyon naman ni Marvin, “Most of us are still very active in the music industry as TV and concert music directors, record producers and executives, session artists, arrangers, etc. Music continues to connect us even outside of the band.”

Nilinaw naman ni Jimmy na kahit meron silang reunion concert ay hindi raw ito nangangahulugan na magiging aktibo na ulit ang Neocolours.

“May kanya-kanya na kaming career ngayon, eh. Hayaan na natin yung mga bagong banda ngayon. We had our time at na-enjoy naming yon nang husto at nakakatuwa na hanggang ngayon ay marami pa rin ang nakakaalam ng songs namin. Salamat din sa mga artists na may sariling version ng mga kanta namin,” pahayag ni Jimmy.