• Home
  • Fresh Scoops
  • LOOK: Patricia Magtanong stuns in her Tausug princess-inspired national costume

LOOK: Patricia Magtanong stuns in her Tausug princess-inspired national costume

Simula na ng laban para kay 2019 Binibining Pilipinas International Bea Patricia Magtanong na kasalukuyan ay nasa Tokyo, Japan.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

10/29/2019 12:08 PM
LOOK: Patricia Magtanong stuns in her Tausug princess-inspired national costume


Photo credit: @iamamirsali IG

Simula na ng laban para kay 2019 Binibining Pilipinas International Bea Patricia Magtanong na kasalukuyan ay nasa Tokyo, Japan.

Sa mga naka-tag na Instagram post sa kandidata, ipinasilip na ang kanyang national costume na kanyang gagamitin para sa Miss International beauty pageant.

 

 

Suot ng kandidata ang likha ng Pinoy fashion designer na si Amir Sali na inspired mula sa Tausug princess.

Sa darating na November 12, gaganapin sa Tokyo Dome Cityhall ang Miss International pageant at kung papalarin, si Patricia Magtanong na ang pang-pitong Pinay na maguuwi ng korona ng Miss International sa bansa na huling nasungkit ni Kylie Verzosa noong 2016.