• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Aubrey Miles wants her daughter Rocket to be a beauty queen

EXCLUSIVE: Aubrey Miles wants her daughter Rocket to be a beauty queen

Aubrey Miles, ikinuwento ang pinagdaanang miscarriages bago ipanganak ang bunso.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/29/2019 12:22 PM
EXCLUSIVE: Aubrey Miles wants her daughter Rocket to be a beauty queen


Photo credit: @milesaubrey IG

Ibinahagi ni Aubrey Miles sa PUSH na dalawang beses siyang nagkaroon ng miscarriage bago nabuo si Rocket Miller, her second child at bunso sa longtime partner na si Troy Montero. First born child naman nila si Hunter Cody Miller, pero bago kay Troy, nagkaroon muna ng anak si Aubrey sa ex-boyfriend na si JP Obligacion named Maurie.

“Alam mo, I’m so thankful na humabol pa ako, 39 na ako, eh. Actually, hindi naman ito natsismis, eh, pero I had two miscarriage kasi,” pag-amin ni Aubrey sa amin.

“Nag-try ako for three years and alam mo yon, sobrang disappointing yung first year, tapos the next year nag-try ka ulit tapos… Alam mo yung… tapos magkasunod pa, so sabi ko, parang ‘ano ba yan?’

“So ngayon, talagang siya (Rocket) yung parang dream baby namin and every time I talk about it nagiging emotional ako. Hindi ko nga na-imagine na magkakaanak pa ako, eh. Kahit nga lalaki okea na sa akin basta makaanak lang ako ng tatlo, tapos naka-babae pa ako, di ba?” nakangiti niyang pahayag.

Ngayon pa lang ay may plano na si Aubrey para sa kanyang bunsong anak na si Rocket.

“Gusto ko siyang maging beauty queen. I’m grooming her to be a beauty queen kasi yon yung frustrations ko dati, eh. Yung showbiz madali na yan, eh, pero I want her talaga to be a beauty queen,” lahad niya.

Patuloy pa niya, “Sumasali naman ako ng mga beauty pageant before, pero natigil, eh, kasi nag-showbiz nga ako. Hindi niya alam na ginu-groom ko na siya. Bata pa lang ite-train ko na siya.”

May mga routine na rin daw siyang ginagawa sa eight-month-old baby niya na gagawin niyang future beauty queen.

“Ngayon palang minamasahe ko na yung mga legs niya para long legged tapos kinakantahan ko siya ng mga kung anu-ano.

“Bawal siyang humindi. Hindi puwede. Hahaha! Bawal din siyang magkasugat. Yung ngipin kailangang alagaan, kasi ito na, eh, may mga beauty queen potential tayo. Pag-aaralin ko siya ng English, tapos iba pang language. Mabilis ang panahon, si Hunter nga nagulat ako eleven (years old) na,” natatawa pa niyang pahayag sa PUSH.

Aminado si Aubrey na dahil babae ang kanilang bunso ni Troy kaya hindi maiwasan na maging spoiler siya dito.

“Ngayon na-feel ko, yes, kasi alam ko that’s it, yan na yung babae ko, and I will never feel yung baby stage na parang once na lumaki na siya, that’s it na, eh, ayoko ng magka-baby so ini-enjoy ko yung every month na nagde-develop siya,” sambit pa niya.

Eh, how about her panganay na si Maurie, hindi ba niya nakikitang papasukin nito ang showbiz?

“Eh, kasi honor [student] siya sa DLSU Taft, nagpo-focus siya sa studies niya. Pero ngayon, nagla-live stream siya sa isang online app, yung parang live chat tapos babayaran siya. Happy naman siya do’n sa ganun na parang social media influencer siya.

“Pero sabi ko kay Maurie, kung gusto niya talagang mag-showbiz today is the perfect age dahil 18 siya, eh. Kasi pag naghintay ka ng 21 parang medyo… unless kung super galing ka talagang umarte. Pero now talaga, mas gusto niyang mag-aral,” deklara pa ni Aubrey.

Samantala, exclusive na nakausap ng PUSH si Aubrey sa mediacon ng horror film na Santigwar na pinagbibidahan ni Alexa Ilacad which will be shown on October 30.