• Home
  • Fresh Scoops
  • PANOORIN: Heaven Peralejo, ibinida ang matching tattoos nila ng ina

PANOORIN: Heaven Peralejo, ibinida ang matching tattoos nila ng ina

Ito raw ang unang beses na nagpa-tattoo si Heaven Peralejo.

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

10/28/2019 4:42 PM
PANOORIN: Heaven Peralejo, ibinida ang matching tattoos nila ng ina


Habang nasa Korea para sa endorsement shoot ng isang clothing brand, ibinida ng Kapamilya actress na si Heaven Peralejo ang kaniyang kauna-unahang tattoo, at ka-match pa niya rito ang kaniyang ina.

Sa YouTube vlog niya na pinamagatang "We got our first tattoo in Korea!!!" nakakaaliw na ipinakita ni Heaven ang kinakabahang ina sa unang beses nilang pagpapa-tattoo.

"Mahilig rin kami sa flights, so lagi kaming umaalis. Also si mom kasi it reminds me, lagi siyang nagwi-whistle kapag masaya siya. So kapag makikita ko ito (tattoo), maaalala ko siya," paliwanag ni Heaven tungkol sa kanilang bagong tattoos na swallow birds.

Panoorin ang buong vlog ni Heaven dito:

Sa parehong vlog din ay mapapanood ang bonding ng mag-ina sa isang Hanbok Rental studio, kung saan ay magkasama silang nagsuot ng tradisyunal na Korean dress.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Just your typical ootd shot 😜 ••• Booked our korea trip via @klooktravel_ph

A post shared by Heaven Peralejo (@heavenperalejo) on

READ:Heaven Peralejo receives Silver Play Button award from YouTube

Kamakailan, nakatanggap ng YouTube Silver Play Button award ang aktres matapos lumagpas sa 100,000 subscribers ang kanyang YouTube channel.