• Home
  • Fresh Scoops
  • Moira dela Torre: ‘Si Daniel Padilla ang pinaka-mabait na nakilala ko sa industriya’

Moira dela Torre: ‘Si Daniel Padilla ang pinaka-mabait na nakilala ko sa industriya’

Hindi maitago ni Moira dela Torre ang kanyang saya nang mapag-usapan ang kamakailang pagkapanalo nila ni Daniel Padilla sa Himig Handog 2019 para sa kanilang awitin na “Mabagal”.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

10/28/2019 6:03 PM
Moira dela Torre: ‘Si Daniel Padilla ang pinaka-mabait na nakilala ko sa industriya’


Photo credit: @moirarachelle IG

Hindi maitago ni Moira dela Torre ang kanyang saya nang mapag-usapan ang kamakailang pagkapanalo nila ni Daniel Padilla sa Himig Handog 2019 para sa kanilang awitin na "Mabagal."

"Sobra akong  natuwa. Hindi ko kasi in-expect na makasali ulit ako ng Himig Handog. So to be able to join again at nanalo pa ulit, nakakataba ng puso kasi 'yung buong process na 'yun--from recording to shooting the music video to performing.. Isa 'yun sa pinaka na-enjoy kong i-perform," ani ng singer sa ginanap na digitial conference para sa kanyang nomination sa MTV Europe Music Awards 2019 bilang Best Southeast Asian Act nitong Lunes.

Matatandaang taong 2017 nang unang nanalo si Moira sa Himig Handog para sa kanyang interpretasyon ng "Titibo-Tibo" na isinulat ng composer na si Libertine Amistimo.

"Hindi ko naramdaman na trabaho siya at all," patuloy ni Moira. "Kaya sobrang nag-enjoy lang kami. All throughout the process naramdaman ko na ang napanalunan ko talaga is 'yung friendship ni Daniel. Mas lumalim ang friendship namin. 'Yung part na nanalo pa kami, sobrang bonus 'yun."

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

what we won in himig handog this year 💛

A post shared by Moira Dela Torre (@moirarachelle) on

"Napakabait" at "legend-in-the-making" naman kung ilarawan ng mang-aawit si Daniel, na unang beses niyang makatrabaho sa kantang "Mabagal."

"Working with Daniel, it was so great. It felt like working with a legend in the making. He is so kind... Kasi ako, medyo introvert ako, eh. Medyo mahiyain talaga ako, pero friendly ako. Pero si Daniel, kahit anong kwarto ang pasukin niya, lahat kinakamayan, lahat hini-hello. Lahat. As in si Daniel siguro ang pinaka-mabait na nakilala ko sa industriya, kaya napakasaya ko na nakatrabaho ko siya," ani Moira.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Another one for the books💖 #HimigHandog2019

A post shared by Moira Dela Torre (@moirarachelle) on

Bilang singer, songwriter, at hurado, masasabi umano ni Moira na tunay na mahusay si Daniel pagdating sa musika.

"Si Daniel, gusto niya na kalkulado niya lahat. Feeling niya hindi siya magaling. Pero ako parang, 'Bakit?' Napakagaling niya. Tapos 'yung history niya, 'yung knowledge niya about music, about standards, about jazz. mas marami pa siyang alam kaysa sa akin. 'Yung history ng music na alam niya, aral na aral siya," aniya.

Ayon pa kay Moira, ngayon pa lamang ay nagpa-plano na sila ni Daniel para sa kanilang susunod na collaboration.

"I don't think I can share details yet kasi wala pa namang nakalatag officially, pero we are talking about a bigger one kasi bitin na bitin kami sa 'Mabagal'. Pero si Daniel, musically and talent-wise, nasa kanya na ang lahat," dagdag niya.