• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘Dumi-diva’: Judy Ann Santos, may opinyon tungkol sa mga bagong artistang nagkakapikunan sa eksena

‘Dumi-diva’: Judy Ann Santos, may opinyon tungkol sa mga bagong artistang nagkakapikunan sa eksena

Nagbigay ng opinyon ang Prime Superstar na si Judy Ann Santos tungkol sa mga baguhang artista na nagkakapikunan sa eksena.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

10/28/2019 9:31 AM
‘Dumi-diva’: Judy Ann Santos, may opinyon tungkol sa mga bagong artistang nagkakapikunan sa eksena


Matapos maging usap-usapan kamakailan ang isyu tungkol sa 'personalan' o 'pikunan' ng mga artista dahil sa isang eksena sa kanilang proyekto, nagbigay naman ng kaniyang opinyon ang Queen of Philippine Soap Opera na si Judy Ann Santos tungkol dito.

Sa pagsabak ng aktres sa Pinush Ko O Di Ko Pinush Challenge para sa PUSH Bets Live, inalala ni Juday ang mga sampalan at sabunutan scenes nila ni Gladys Reyes sa original version ng seryeng Mara Clara.

"Well, babase ako sa amin ni Gladys (Reyes), kung may sampalan kami, may sabunutan kami, bago kami magte-take nagso-sorihan kami. Kasi kapag nadala ka sa eksena, hindi mo naman talaga mako-control kung ano pang pwedeng lumabas sa emotions mo e.

"Pero it doesn't mean namemersonal ka. So kung ang dating sa'yo pinersonal kita, problema mo na 'yon. Pero para sa akin, nagtatrabaho ako," kuwento ni Judy Ann.

Pagpapatuloy ng Starla actress, kasama sa trabaho nila bilang artista ang mga pagkakataong madadala sa emosyon at masaktan nang pisikal.

"Ang dami kasing mga issues ng mga bagets na nagkaka bwisitan dahil sa fight scenes, sa sampal kasi malakas. E ganun e.

"At para sa akin, binabayaran ka, do your job. Artista ka, part 'yan ng trabaho mo. So kapag nagreklamo ka kasi nasaktan ka para sa akin, dumi-diva ka. Kasi bayad ka e. Mas mataas ang bayad mo kaysa sa mga crew na kasama mo, so you do not have the right to complain," paliwanag ni Judy Ann.

Panoorin ang ang buong challenge ni Juday dito:

Samantala sa parehong interview natatawang ibinahagi ni Juday ang minsang napagkamalan siyang bilang si Manilyn Reynes, nang isang fan habang nasa ibang bansa.

"Genuine naman siya, alam kong hindi niya [sinasadya]. Kasi tuwang-tuwa talaga siya, maaaring super fan siya ni Manilyn [Reynes] kaya si Manilyn ang unang pumasok sa isip niya nung nakita niya ako. O baka hawig talaga kami ni Manilyn, kasi parehas kaming chubby cheeks, pero first time kong tawaging Manilyn," kuwento ni Judy Ann na sinabing hinayaan niya na lang at hindi itinama ang Pinay. 

READ: EXCLUSIVE: Judy Ann Santos sa kaniyang panganay: ‘I adopt you because I want you to be my family. I chose you’

Mapapanood si Judy Ann sa kaniyang bagong serye na Starla, gabi gabi sa Kapamilya Network.