• Home
  • Fresh Scoops
  • Alexa Ilacad reveals she is not on good terms with Sharlene San Pedro

Alexa Ilacad reveals she is not on good terms with Sharlene San Pedro

Actress Alexa Ilacad says she was bullied by Sharlene and some of their former ‘Goin’ Bulilit’ co-stars because of Nash Aguas.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/28/2019 10:12 AM
Alexa Ilacad reveals she is not on good terms with Sharlene San Pedro


Photo credit: @alexailacad and @shardongallery IG

Actress Alexa Ilacad says she was bullied by Sharlene and some of their former ‘Goin’ Bulilit’ co-stars because of Nash Aguas. Hindi pa natatapos ang mga rebelasyon ng Santigwar lead actress na si Alexa Ilacad dahil sa huling panayam ng PUSH sa kanya ay inamin niyang pinagtulungan siya ng ilang kasamahan niya noon sa Goin’ Bulilit.

Ayon kay Alexa, ikinabigla niya ang pangyayari na may mga taong nagkakampihan para i-down siya.

Aniya,  “I was so surprised na I woke up one day using my Twitter and I saw na they were teaming up against me.”

Ang “they” na tinutukoy ni Alexa ay ang mga kasamahan niya before sa Goin’ Bulilit kasama ang ex-boyfriend na si Nash Aguas at si Sharlene San Pedro na best friend pa naman daw niya.

Patuloy nya,  “And then, I confirmed na it was real. At hindi lang sila, ‘yung buong group nila na ‘yung iba naman doon talaga, Goin’ Bulilit pa lang, binu-bully na ako."

Mas doble daw ang sakit na naramdaman niya na pati ang itinuturing niyang bestfriend na si Sharlene ay kasama sa nambu-bully sa kanya.

“Pero I was really hurt, pinaka-hurt kay Sharlene because I thought we were friends. We were okay. Good kami. And then, ayun, nagulat ako one day na, ‘ano to?’ Inaaway nila kami ni Jairus (Aquino, another former Goin’ Bulilit cast), pinagtutulungan nila kami.

“So, sabi ko, ‘saan ito nagsimula?’ And then I found out na inutusan daw ni Nash si Sharlene na gawin ‘yun,” kuwento pa ni Alexa.

Wala naman daw siyang alam na dahilan kung bakit pati si Sharlene ay napasama sa grupo ng nangbu-bully sa kanya dahil friends nga sila.

Nang tanungin ng PUSH si Alexa kung bakit ngayon lang niya sinasabi ang tungkol sa bullying na ito especially during Goin’ Bulilit days, aniya,  “Because I’m so tired, this is just so tiring, it’s been so long. And the fact na they’re still grilling me about it, I’m done. I’m gonna say everything once and for all para tapos na. Para tumigil na rin silang lahat.”

Hintayin natin kung ano naman ang bersyon ni Sharlene sa mga naging pahayag ni Alexa at kung maibabalik pa ang kanilang dating pagkakaibigan.

Meanwhile, showing na sa Oct. 30 ang Santigwar mula sa direksyon ni Joven Tan from Horseshoe Studios and Reality Entertainment.