• Home
  • Fresh Scoops
  • Regine Velasquez, ‘No expectations’ sa pagbabalik-pelikula

Regine Velasquez, ‘No expectations’ sa pagbabalik-pelikula

Bahagi rin sina Alessandra De Rossi at Cherie Gil sa Cinema One Originals Festival 2019.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/27/2019 1:21 PM
Regine Velasquez, ‘No expectations’ sa pagbabalik-pelikula


Sa kanyang pagbabalik pelikula sa Cinema One Originals Festival 2019, inamin ni Songbird Regine Velasquez na wala siyang inaasahang parangal mula sa kanyang role sa Yours Truly, Shirley.

READ: ALAMIN: Mga pelikulang kalahok sa Cinema One Originals 2019

“Wala akong expectations,” tugon ni Regine sa press launch ng Cinema One Originals 2019.

At kung itatapat sa mga aktres na bahagi ng 15th year ng Cinema One Originals Festivals, aminado si Regine na wala siyang pang tapat dito.

“Kung ihahambing mo naman ang role ko sa role ni Ms. Cherie Gil parang kinanta niya ‘yung ‘What Kind of Fool Am I’ tapos ang kinanta ko ‘Urong Sulong’ ganun ang basehan.”

Bukod sa mga parangal, ipinaliwanag rin ng singer-actress ang dahilan kung bakit natagalan ang pagbabalik niya sa pelikula.

“Wala kasi ako doon sa tamang wisyo ng paggawa ng pelikula. Ewan ko, parang tinatamad ako, gusto ko lang muna kumanta. But noong ibinigay nila sa akin ang script, niligawan nila ako, parang I got really interested sa character and so I accepted it,” aniya.

“Actually noong before mag-start, parang ayaw ko nang gawin kasi nai-stress ako. Parang gusto ko ba talagang gawin to? Parang sabi ko doon sa kapatid ko, ‘Pwede ba mag back-out?’ So minura niya ako, kaya thank you very much to my sister Cacai,” masayang kuwento ni Regine.

Aniya, kahit wala sa kondisyon, naniniwala pa rin siya sa good vibes na hatid ng kanyang pelikula.

“I never considered myself to be an actor, so mahirap ilagay ang sarili ko sa karamihan ng magagaling na artista na andito. I'm really happy to be here," pahayag pa niya.

Sa darating na Nobyembre 7 hanggang 17 mapapanood ang Yours Truly, Shirley at iba pang pelikula na kalahok sa Cineme One Originals Festival.