• Home
  • Fresh Scoops
  • Joem Bascon, ‘normal’ lang na may butt exposure at love scene sa pelikula

Joem Bascon, ‘normal’ lang na may butt exposure at love scene sa pelikula

Joem Bascon, wala pang balak magpakasal sa ngayon

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/27/2019 12:16 PM
Joem Bascon, ‘normal’ lang na may butt exposure at love scene sa pelikula


Sunud-sunod ang pelikula ni Joem Bascon na ipapalabas ngayong November and December. Bukod kasi sa The Annulment ng Regal Entertainment na showing on November 13 ay kasama rin si Joem sa pelikulang Utopia ng Cinema One Originals (showing on November 7) at sa 2019 Metro Manila Film Festival entries na Culion at Write About Love na parehong palabas sa December 25.

Sa previous interview namin kay Joem ay pakonti-konti na siyang nagbibigay ng detalye sa plano niyang pagpapakasal sa non-showbiz girlfriend for almost eight years na si Chrisha Uy pero tila nabago ang plano niya ngayon.

“Ang dami kasing magagandang nangyayari sa career ko ngayon. Ang tagal ko na sa showbiz pero ngayon lang ako nabigyan ng chance na maging leading man dito sa movie (The Annulment) kaya ayoko munang sayangin yung chance,” simulang pahayag ng aktor sa amin.

Patuloy niya, “Kasi, once kinasal ka na, maiiba na siyempre yung priorities ko. Oo, aarte pa rin siguro ako, pero hindi ko na magagawa yung tulad ng dati, yung daring roles.”

Ayon kay Joem, isang “normal thing” lang para sa kanya ang magkaroon ng butt exposure sa pelikula at gumawa ng love scenes sa kapwa lalaki at sa babae. Kahit kailan ay hindi raw ito naging big deal sa kanya.

“Kung merong offer ngayon to do that again, bakit hindi? Basta ba talagang kailangan sa eksena, hindi bastos ang pagkakagawa at pinagkakatiwalaan ko yung director, I’m willing to do it again.

“Parang iilan na lang kaming gumagawa nito. I’m happy na meron pa akong work. Kahit pinakita ko na ang kaluluwa ko, kung may script na magre-require ulit ng ganun, willing ako,” lahad pa niya.

Aminado si Joem na sa lahat ng mga past movies na ginawa niya ay sa The Annulment siya nagkaroon ng pinakamaraming love scenes.

“Merong mga love scenes sa kitchen, sa swimming pool, sa floor. Iba’t iba yung love scenes, depende sa stages na pinagdadaanan ng kanilang marriage. Kailangan yung mga love scenes for you to believe na in love talaga yung mga character, may lustful, may passionate, may cold,” paliwanag ng aktor.

Hindi rin daw siya nahirapan sa love scenes nilang dalawa ni Lovi dahil matagal na silang magkakilala.

“Actually, I feel blessed na akoang kanyang pinili. I’m just happy na magkakilala na kami at nasa same age kami and pareho kami when it comes to maturity namin sa showbiz. At saka, sa mga gatherings, we get to see each other at we get to bond even with my girlfriend,” sey pa niya.

Samanala, tulad sa personal niyang buhay, naniniwala si Joem na malaking factor ang sex life para tumatag ang isang relasyon.

“Sex is one way of showing your love. Physical attraction is still attraction. Siyempre, nagkakaroon ng problema sa isa’t isa kung hindi ka na attracted o naa-arouse sa isa’t isa. It’s really a big part of the relationship,” paliwanag niya.

Hindi pa ba talaga siya nagpo-propose sa kasintahan?

“Hindi pa kami umabot sa punto na engaged. Wala pang proposal. Siguro, nagkaroon lang ng ganoong notion dahil nagkaroon ng time na dictated ng mga tao na parangmagpro-propose na ako. Actually, napag-uusapan namin pero hindi pa talaga,” paglilinaw pa niya.

Ang The Annulment ay mula sa direksyon ni McArthur Alejandre. Kasama rin sa pelikula sina Myrtle Sarrosa, JC Tiuseco, Laura Lehmann, Dianne Medina, Erika Padilla, Nikka Valencia, Manuel Chua, Nico Antonio at marami pang iba.