• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Kathryn Bernardo sa itinayong pangalawang negosyo: ‘Kailangan pa rin nating kumayod’

EXCLUSIVE: Kathryn Bernardo sa itinayong pangalawang negosyo: ‘Kailangan pa rin nating kumayod’

Muling nagtayo ng bagong negosyo si Kathryn Bernardo, ngayon ka-sosyo si Daniel Padilla, at parehong ina nilang sina Min Bernardo at Karla Estrada.

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

10/27/2019 12:52 PM
EXCLUSIVE: Kathryn Bernardo sa itinayong pangalawang negosyo: ‘Kailangan pa rin nating kumayod’


Photo Credit: @starmagicphils on IG

Opisyal na binuksan na ang ikalawang negosyo ng box office movie actress na si Kathryn Bernardo na Barbero Blues, nitong Sabado, October 26, sa SM North The Block. Ka-sosyo ang kaniyang real-life partner na si Daniel Padilla, humarap si Kathryn sa PUSH at kinuwento kung paano sila nagtutulungan ng boyfriend para sa bagong investment.

"Forte niya (Daniel) ito; buhok, panglalaki, parang ako kung tatanungin mo, hindi naman ganun karami yung knowledge ko compared to him when it comes to guy's stuff," paliwanag ni Kath na sinabi ring si DJ ang naging utak sa design ng shop at logo nito.

Bukod sa dalawa, kasama rin bilang part-owners ang kanilang mga ina na sina Karla Estrada at Min Bernardo, at dalawa pang kasama sa pamilya.

Para sa aktres, kahit na may stable na career sa showbiz, kailangan pa rin sa estado niya at nilang dalawa ni Daniel ang pagkakaroon ng negosyo tulad nito.

"How I wish hindi ko kailangan, pero kailangan e. Marami tayong pinag-iipunan, bahay, kung ano-ano ang mga gustong gawin. I think it's good to invest on something na ganito, hindi yung kung saan saan [napupunta] yung pera mo, at least merong pinupuntahan yung pinagpapaguran. Then maraming gastos so kailangan pa rin nating kumayod, so kailangan pa rin I swear," ani Kath.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Kathryn and Daniel during the opening of their newest business @barberoblues at SM City North EDSA The Block

A post shared by Star Magic (@starmagicphils) on

READ: Kathryn Bernardo on being one of the best dressed celebrities: ‘Alam ko lang kung ano yung bagay sa akin’

Matatagpuan ang Barbero Blues sa 4th floor ng SM North The Block.