• Home
  • Fresh Scoops
  • Alexa Ilacad dares Nash Aguas’s camp to show proof that she cheated on him

Alexa Ilacad dares Nash Aguas’s camp to show proof that she cheated on him

Alexa Ilacad just wants Nash Aguas’s camp to stop bashing her.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/27/2019 11:54 AM
Alexa Ilacad dares Nash Aguas’s camp to show proof that she cheated on him


Photo Credit: @lexailacad @zackwey on IG

Hindi napigilan ni Alexa Ilacad ang kanyang sarili na maglabas ng sama ng loob sa presscon ng launching movie niyang Santigwar tungkol sa naging trending topic sa Twitter na diumano’y nanlalaki siya kaya sila nagkahiwalay ng ka-love team at boyfriend na si Nash Aguas.

“When I saw I was trending, it was because his camp or his fans were bashing me and were trying to spread rumors about me. The same rumors that they have been spreading all these years since, I think, 2017, na parang sinasabi nila na I have no right to talk about that ‘13 years thing’ and all of that, because ako naman daw ang nanloko,” simulang pahayag ng Santigwar lead star.

Obvious naman daw kung kanino galing ang rumor na siyempre mas ikinasama niya ng loob.

“Where would the fans get the idea na nanlalaki ako? Someone fed it to them. And who was that someone? It’s Nash. So, why would… you said you love me, would you do that to someone you love? Would you throw them under the bus over something that isn’t even true?” lahad pa ni Alexa.

Isa pang proof daw na talagang si Nash ang nagkakalat na nanlalaki siya ay nang sabihin ito sa kanya ng kanyang make-up artist.

“Sabi ng make-up artist sa akin, ‘beh, sabi ni Nash, nanlalaki ka raw.’ So, ipinagkakalat niya yung assumptions niya. It was purely his assumptions na just because I was starting to have new friends, and maybe I didn’t have as much time for him like I did as before and hindi ko siya masagot, ‘yung theory niya du’n is, ‘ah kasi, may lalaki ka,’ which is unfair,” pagdidiin pa niya.

Hinamon naman ni Alexa ang mga fans na namba-bash sa kanya na magpakita ng proof na talagang nanlalaki siya.

Aniya, “Please show me the proof you have before you talk about anything because I’m confident that there’s nothing. Wala nga akong dyowa, eh.

“Wala naman silang malalabas talaga kahit ano pang pa-trend (sa Twitter) ang gawin nila. Ipagkalat nila na ako ang may kasalanan, sure, go ahead, but I’m confident na… So just to clear everything and I hope… I just really want to get them out of my life,” giit pa niya.

Hindi rin naiwasang maungkat sa presscon ni Alexa ang ilan sa mga hindi magagandang nangyari nung magkarelasyon pa sila ni Nash.

“Nash became very jealous, he became very controlling, especially because he wanted me to be his girlfriend but I couldn’t say yes.

“So, I think that created insecurities with him, and that just became so, so toxic na sabi ko, ayoko na. Parang he was making me choose na, ‘me or your music,’ and he was saying he was supportive. So, sabi ko, ‘ayoko ng ganito, why would you make me choose?’” rebelasyon ni Alexa tungkol sa ex-boyfriend.

Samantala, nilinaw ni Alexa na hindi niya ginagamit si Nash para sa promo ng Santigwar. Ang gusto lang daw niya talaga ay tumigil na ang kampo ng aktor sa mga paninira sa kanya.

Ipapalabas na ang Santigwar simula October3c0. The film is produced by Horseshoe Studios, release ng Reality Entertainment and directed by Joven Tan.

Kasama rin sa cast ng Santigwar sina Marco Gallo, Marlo Mortel, Aubrey Miles, Keann Johnson, Pam Gonzales, Dan Fernandez, at marami pang iba.