Vice Ganda, tinawag na ‘katuwang sa buhay’ si Ion Perez

Para kay Vice Ganda, swerte siya ngayong ika-sampung anibersaryo ng It’s Showtime.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

10/26/2019 7:42 PM
Vice Ganda, tinawag na ‘katuwang sa buhay’ si Ion Perez


Matapos ang matagumpay na performance ni Vice Ganda para sa Magpasikat ng It’s Showtime ay pinasalamatan niya ang lahat ng tumulong sa kanya upang mabuo ang konsepto ng kanyang naging performance.

Naging guest niya kasi ang kanyang ‘twinny’ na si Dawn Zulueta at ang mga may alopecia bilang isa ito sa ipinakitang adbokasiya ng komedyante. Sinabi niyang hindi naman daw niya kaya lahat ito mag-isa.

“In reality, hindi ko naman kaya. Kasi ‘di ba ‘yun yung shine-share ko sa inyo palagi pag nagmi-meeting tayo, ‘yun ang bubog ko… A lot of people thinks na kaya ko lagi when in fact hindi ko naman po kaya lagi. I need help,” aniya at sinabing blessed siya sa suporta ng mga nagmamahal sa kanya.

Matapos pasalamatan ang mga nakasama sa kanyang performance at saka niya pinasalamatan si Ion Perez, na siyang nagpapasaya sa kanya.

“Itong pang sampung taon ng Showtime ang swerte ko kasi ‘di na ako nag-iisa meron na akong katuwang sa buhay and I am so happy.

“Hindi ko makakalimutan ‘tong 10th year ng Showtime kasi dito sa 10th year nakatagpo ako ‘yung sinabi kong ‘You don’t need to be loved by the whole world, you only need yourself and one person that you love to accept and love you back’ at meron na’ko no’n.”

Napansin naman ni Anne Curtis na naiiyak si Ion nang maging proud si Vice na ipakilala siya bilang nagpapasaya sa kanya.

“‘Yun nga lagi kong sinasabi sa kanya siguro, ‘yung minahal ko sa kanya ‘yung nakikita niyo sa kanya siguro bonus lang na naging Vice Ganda siya pero ‘yun talagang minahal ko si Tutoy,” ani Ion.

Madalas na tampulan ng tukso ang dalawa at bagamat hindi nila diretsahang sinasabi ang kanilang estado sa relasyon, aminado silang mahalaga at espesyal sila sa isa’t isa. Ito naman ang unang pagkakataon na sinabi ni Vice Ganda sa programa na si Ion na ang talagang nagpapasaya sa kanya.

Si Vice Ganda ang itinanghal na first place sa Magpasikat 2019 ng It’s Showtime.