• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘Hellcome Home’ director Bobi Bonifacio, nilinaw na orihinal ang konsepto ng kaniyang bagong pelikula

‘Hellcome Home’ director Bobi Bonifacio, nilinaw na orihinal ang konsepto ng kaniyang bagong pelikula

Dinipensahan ng direktor na si Bobi Bonifacio ang kaniyang bagong pelikula mula sa mga nagsasabing ginaya ito sa ilang Hollywood films tulad ng Amityville, Sinister at iba pa.

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

10/26/2019 1:17 PM
‘Hellcome Home’ director Bobi Bonifacio, nilinaw na orihinal ang konsepto ng kaniyang bagong pelikula


"It's an original concept." Ito ang sagot ng Hellcome Home director na si Bobi Bonifacio nang tanungin tungkol sa ilang komento ng netizens sa trailer ng kaniyang pelikula.

Sa comment section ng YouTube video trailer ng naturang horror movie, makikita na ikinukumpara ng ilan ang Hellcome Home movie sa Amityville, Sinsiter, The Others, at iba pa.

"Nakikita po kasi nila na parang Amityville, kasi nga ang dating ay parang nasa bahay, murder, may patayan na mangyayari -- pero hindi po.

"Actually it came from an original concept na about a certain family living in a house and of course may mga mamamatay. Pero yung mga twists and turns po talaga iba, and actually nag-brainstorm po kami niyan, at binuo naming mga writers para magkaroon ng unique flavor," paliwanag ni Direk Bobi.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

The cast and director of the upcoming Star Cinema supernatural thriller #HellComeHome #PUSHGanaps

A post shared by Push (@pushalerts) on

Si Direk Bobi rin ang naging direktor ng horror movie entry ng nakaraang taong Cinema One Originals Film Festival na Hospicio.

"Sa pelikulang ito marami kaming binigay na gore, so madugo siya. Ayun ang unique factor niya compared to other movies," pagpapatuloy ni Bobi.

Mapapanood sa October 30 ang Hellcome Home. Pinagbibidahan ito nila Beauty Gonzalez, Raymond Bagatsing, Alyssa Muhlach, at Dennis Trillo.