• Home
  • Fresh Scoops
  • Jason Paul Laxamana, ihahanda ang bagong twist sa Pedro Penduko

Jason Paul Laxamana, ihahanda ang bagong twist sa Pedro Penduko

Pinagaralan at sinimulan na rin ng direktor ang pagbuo at pagsusulat ng script para sa Pedro Penduko.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

10/25/2019 11:36 AM
Jason Paul Laxamana, ihahanda ang bagong twist sa Pedro Penduko


Kasunod ng pag papakilala kay Matteo Guidicelli bilang bagong gaganap na Pedro Penduko, ipinakilala rin si Jason Paul Laxamana bilang bagong direktor ng inaabangang pagbabalik ng Pinoy Komiks hero.

READ: It’s official! Matteo Guidicelli is the new Pedro Penduko

Ayon sa direktor, sinimulan na niyang pag-aralan ang magiging timpla ng kuwento, na siya rin mismo ang magsusulat.

"Wala talagang ready. We started from scratch to research, from checking out the past version of Penduko. Araw-araw lang talaga ako nagtatrabaho," tugon ng direktor sa press.

Dahil nagkaroon ng mga pagbabago sa karakter at direktor ng proyekto, malaking pagbabago rin daw ang kanyang nais gawin para kay Matteo.

"Hiningi ko rin 'yung dati nilang ginawa, kasi nga meron akong ibang nai-envision for it at saka, iba pa 'yung cast while they were doing it and iba naman ang ngayon. So I think it's a wise decision to start from scratch," aniya pa.

Mas nalilinya man sa mga pelikulang nagpapakilig, siniguro ni Jason Paul na mas tututukan niya ang aspetong teknikal ng Pedro Penduko.

"I really have to (adjust). Iba ang approach kasi 'pag romance. Of course, focus ka roon sa chemistry ng dalawang actors. Ito, mas 'yung physical aspect, 'yung technical aspect ng movie so it's really a change and a shift of mindset. Ako rin very aware ako na kailangan ko mag-shift ng mindset, para magawa ko nang maganda at maayos."