• Home
  • Fresh Scoops
  • Jasmine Curtis-Smith, nagkuwento kung paano sila nag-aaway ng kapatid na si Anne Curtis

Jasmine Curtis-Smith, nagkuwento kung paano sila nag-aaway ng kapatid na si Anne Curtis

Bihira lang daw nagkakaproblema sina Jasmine Curtis-Smith and Anne Curtis sa isa’t isa.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/25/2019 10:21 AM
Jasmine Curtis-Smith, nagkuwento kung paano sila nag-aaway ng kapatid na si Anne Curtis


Being an award-winning actress, tuwing may bagong pelikula si Jasmine Curtis-Smith tulad na lang nitong Cara X Jagger ng APT Entertainment, ay hindi maiwasang tanungin ang aktres kung ano ang bagong ipapakita niya sa pelikula.

Kilala kasi si Jasmine bilang isang mahusay na aktres at kung ilang beses na niya itong napatuunayan.

Napi-pressure ba siya sa ini-expect sa kanya ng tao kapag may bagong pelikula?

“I think the pressure will always be there to deliver -- yung ini-expect ng audience lalo na yung audience na sanay sa ibang Curtis or sanay na pantay lagi yung ginagawa kong pag-atake tuwing may gagawin ako.

“So, siguro tuwing may gagawin akong project na hindi siya normal or typical sa mga ginagawa ng iba, don ako mas napi-pressure,” paliwanag ng aktres.

Dagdag pa ni Jasmine, siya na rin daw mismo ang nagpu-push sa sarili niya na hangga’t maaari ay mapantayan o malampasan ang dati niyang ginawa.

“I always try to have a mindset na parang lagi pa rin akong bagong artista dito – open yourself how to learn. And it humbles me down every time na pupunta ako ng set para magtrabaho.

“Kahit na meron ka ng mga alam at paraan kung paano ang isang film, meron ka pa ring bagong mapi-pick-up.  Minsan kasi kapag nasanay ka na ayaw na natin ng bagong paraan o proseso kaya minsan may hesitation,” rason pa niya.

Tinanghal na Best Actress si Jasmine sa 2016 Cinema One Originals para sa pelikulang Baka Bukas. Nanalo rin siyang best supporting actress sa pelikulang Siargao sa 2017 Metro Manila Film Festival at kinila rin bilang best supporting actress din sa 9th Cinemalaya Independent Film Festival para naman sa pelikulang Transit.

Nakaka-intimidate ba siyang katrabaho katulad nang na-feel ng leading man niyang si Ruru Madrid sa Cara X Jagger?

“Hindi ko naman naramdaman na may takot siya or intimidation siya. Siguro depende din kung paano niya yon iparamdam sa akin, pero wala. Lahat kami kapaan, kumbaga kung paano sasakyan yung trip ng isa’t isa,” paglilinaw niya sa isyu.

Samantala, dahil mainit pa ring pinag-uusapan ang awayan ng magkakapatid na Barretto kaya natanong na rin ang aktres kung madalas din ba silang mag-away ng kapatid niyang Anne.

Ani Jasmine, “Sa amin ni Ate talaga, as much as possible, di namin pinapaabot sa kahit kanino, kahit sa friends as much as possible, kahit sa sarili naming mga management. Kumbaga, kung sino lang yung involved sa problema, kami-kami lang talaga.

“And bihira kaming magkaroon ng problema, kaming dalawa ni Ate kasi yung mga kapatid ko either above 40s na or younger than me also at yung agwat namin ni Ate, 9 years, so hindi talaga kami nagkakaroon ng chance na mag-away.”

Wala rin daw siyang natatandaan na nagkasakitan sila o nagsabunutan ni Anne.

“Wala, my God. Kahit yung kurut-kurot lang sa kili-kili, walang ganun. Hindi talaga.

 “Three times lang siguro kami nagkaproblema ni Ate. Pero that’s small, tampo lang yon, hindi siya yung tipong lumaki. Peace kami lagi ni Ate,” natatawang pagmamalaki pa ni Jasmine.