• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Judy Ann Santos sa kaniyang panganay: ‘I adopt you because I want you to be my family. I chose you’

EXCLUSIVE: Judy Ann Santos sa kaniyang panganay: ‘I adopt you because I want you to be my family. I chose you’

Muling naging bukas si Judy Ann Santos tungkol sa kaniyang panganay na anak na si Yohan.

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

10/25/2019 10:50 AM
EXCLUSIVE: Judy Ann Santos sa kaniyang panganay: ‘I adopt you because I want you to be my family. I chose you’


Photo credit: @ryan_agoncillo IG

Naging bukas sa pagkuwento ang Starla lead actress na si Judy Ann Santos tungkol sa kaniyang panganay na anak na si Yohan. Bilang adopted child ni Juday, isang inspirasyon ang naging relasyon ng mag-ina para sa mga fans ng aktres.

Sa interview ni Judy Ann sa PUSH Bets Live, ibinahagi niya kung paano niya noon ipinaliwanag sa anak ang kanilang set-up bilang pamilya.

"Early on pa lang naman nung relationship namin ni Yohan, nung kaming dalawa pa lang, alam ko nang nakaka-intindi na siya, sinabi ko na sa kaniya, pinaintindi ko na sa kaniya. I explained to her. Kasi ayoko na magkaroon siya ng grudge na itinago ko sa kaniya," kuwento ni Judy Ann na idiniin kung gaano ka-importante ang maging tapat sa anak lalo na sa panahon ngayon ng social media.

Pagpapatuloy ng aktres, "Ang fear ko kasi may ibang taong mag marunong at mag-atribida na sabihin tapos not in nice context tapos maging iba yung dating doon sa bata. So it was a decision I had to make, crossing my fingers, lifting everything to the Lord na bahala ka na don."

Taong 2005, pagkatapos ng kaniyang 26th birthday naging ganap na ina si Judy Ann kay Yohan. Ayon sa aktres, isang sagot sa panalangin niya ang pagdating ni Yohan sa buhay niya.

"Ngayon mas napapag-usapan na namin nang maayos, nang kumportable sa kaniya, naipatindi ko sa kaniya na 'being adopted is not a bad thing' it is actually the most beautiful word in the world. Simply because, I adopt you because I want you to be my family. I chose you.'

"Sabi ko sa kaniya, you were the first one who came before dad. So I was a mother first, before a wife so tandaan mo yan. So nung una medyo hindi niya pa makuha pero eventually naintindihan na niya," pagpapatuloy ni Juday sa parehong interview.

Sa parehong taon, nakilala ni Judy Ann ang kaniyang ngayong asawa na si Ryan Agoncillo nang magkasama sila sa fanta-seryeng Krystala. Apat na taon ang lumipas, ikinasal si Juday at Ryan.

Sa ngayon, masaya si Juday sa pagdadalaga ni Yohan na nakatakdang magdiwang ng ika-15 birthday ngayong Nobyembre.

Panoorin ang buong interview dito:

Nang tinanong kung anong payo ang gusto niyang iwan para sa mga taong nasa parehong sitwasyon, sinabi ni Judy Ann, "Sinigurado ko lang is to not say anything bad about her biological parents. Because I don't want her to feel any anger sa biological parents niya. Kasi if it weren't for them, I wouldn't have her," paliwang niya.

 

 

Mapapanood gabi-gabi ang Starla sa Primetime Bida.