Tsinelas Campaign ni Korina Sanchez, tuloy-tuloy pa rin

Naniniwala ang Rated K host na si Korina Sanchez-Roxas na nanggagaling ang swerte ng kaniyang programa sa mga taong natutulungan ng Tsinelas Campaign.

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

10/24/2019 2:19 PM
Tsinelas Campaign ni Korina Sanchez, tuloy-tuloy pa rin


Magpapatuloy ang Tsinelas Campaign, ito ang pangako ng Rated K host na si Korina Sanchez matapos tumanggap ng parangal mula 33rd PMPC Star Awards, bilang Best Magazine Show at Best Magazine Show host.

Naniniwala si Korina na nanggagaling ang swerte ng kaniyang programa sa mga natutulungan nito tulad ng mga batang nabibigyan ng mga tsinelas dahil sa Tsinelas Campaign.

"Feeling ko, yung swerte ng Rated K comes from all the people we helped. Kami, nagpapakita kami ng kung ano-anong kuwento sa araw-araw, pero sinasabi ko palagi na ang swerte [namin] nanggagaling sa lahat ng taong natutulungan namin."

"So sabi ko hindi puwedeng mawawala yung mga tsinelas na pinamimigay namin. Ang saya na binibigay namin sa mga mahihirap na komunidad. And siyempre dahil sa kanila. I'm extremely happy and very grateful kasi 15 years later we still get to win two awards," masayang pahayag ni Korin sa press.

Ang Tsinelas Campaign, o ang pamimigay ng mga libreng tsinelas para sa mga batang mahihirap, ang isa sa mga pasimulang adbokasiya ni Korina sa Rated K, sa halos labing-limang taon nito.

 

 

Sa parehong interview sa Rated K host, sinabi niya na kailangang abangan ang darating na Halloween episode nito. "Hindi kayo [patutulugin]. Siguraduhin niyo na mayroon kayong kasama kapag nanood kayo," ani Korina.

READ: Korina Sanchez, inspirado dahil sa kaniyang kambal na sila Pepe at Pilar 

Aminado si Korina na 'lapitin' siya pagdating sa usapin ng espiritu. "Kaya kung minsan itong mga haunted house na pinapalabas namin, ayokong pumasok, kasi baka may sumama. Naniniwala ako talaga kasi nangyari talaga sa akin. Kaya kapag pumapasok ako sa isang espasyo, sadya kong sinasarado yung third eye, mayroon ako niyan," kuwento niya.