Ryan Bang, ipinakilala ang kanyang ‘girlfriend’

Isa si Ryan Bang sa mga ‘It’s Showtime’ hosts na tapos na mag-perform sa Magpasikat 2019.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

10/24/2019 1:51 PM
Ryan Bang, ipinakilala ang kanyang ‘girlfriend’


Photo credit: @ryanbang and @aradabao IG

Trending topic sa social media ang pasabog na performance nina Karylle at Ryan Bang para sa Magpasikat ngayong taon sa It’s Showtime.

Sa kanilang iperformance ay inilarawan ang mga pagsubok na pinagdaanan ni Ryan bilang bagong salta na Koreano sa Pilipinas kung saan naranasan niya ring ma-bully. Sa tulong ng mabubuting tao sa paligid niya, kinaya niya ito at nag-fast forward ang kanilang performance sa “It’s Showtime 2029” kung saan K-pop star na si Ryan at may girlfriend umano na siya.

Ipinakilala naman ni Ryan ang kanyang “girlfriend” matapos ang performance. Hindi man pinangalanan ang kanyang ‘baby,’ kaagad namang nakilala ang dalaga na si Ara Davao, anak nina Jackie Lou Blanco at Ricky Davao.

Sinabi naman ni Ara kay Ryan na, “Sobrang proud ako sa’yo.”

Kinilig naman ang madlang people at biro ni Ryan, “Sana totoo. Mabilis ako ma-fall eh.”